SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN, NA-BASH
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 4, 2026

Photo: IG _shuveeetrata
Nagbahagi si Shuvee Etrata ng larawan na umani ng batikos mula sa mga netizens matapos siyang makitang nakaupo sa isang priority seat sa tren sa New York City (NYC).
Ibinahagi sa Reddit ang larawan kung saan makikitang nakaupo si Shuvee, habang napapalibutan ng ilang shopping bags.
Ang nakalagay sa caption, “Shuvee sitting in a priority seat on the NYC subway.”
Sey ng nag-upload, “Proud of you, Girl. Pero sana, marunong tayong sumunod sa mga rules sa ibang bansa. Medyo nakakahiya as a Filipino na you’re seating sa priority seat with your shopping bags.”
Gayunpaman, hindi lahat ay sumang-ayon sa kritisismo. Itinuro ng ilang netizens na pinapayagan ang sinuman na gumamit ng mga priority seats kung walang mga pasaherong talagang nangangailangan nito.
Sey ng mga netizens:
“‘Yung gusto n’yang i-flex ‘yung shopping n’ya, only to expose herself na ‘di marunong mag-follow instruction.”
“While browsing her photos, ‘di n’ya kaya napansin ‘yang naglalakihang signages sa likod n’ya? Hahaha! Because if ako ‘yan, mahihiya na akong i-post.”
“Kahit sino, puwedeng maupo sa priority seat. Pero ‘pag may kasabay kang matanda, injured o buntis, sila ang may priority sa upuan na ‘yan at kailangan mo nang tumayo. Ang problema ko sa picture, puwede pa sana n’yang paupuin si ate na nasa kaliwa. Kaso ang pinaupo n’ya ay ‘yung bags n’ya. Nakakainis ‘yung mga ganyan.”
Napulitika lang daw…
BF NI NADINE, NOT GUILTY SA MGA PAGLABAG NG RESORT SA SIARGAO
Ibinahagi ng negosyanteng may-ari ng Maison Bukana sa Siargao na si Christophe Bariou na inalis na umano ng Department of Environment and Natural Resources – Provincial Regulatory Authority (DENR-PRA) ang kanyang resort mula sa mga umano’y paglabag.
Sa kanyang Instagram (IG) post, ibinahagi ng partner ng Kapamilya actress na si Nadine Lustre ang mga natuklasan ng ahensiya ng gobyerno.
Ibinahagi ni Christophe kung paano – ilang linggo matapos siyang magsalita tungkol sa umano’y katiwaliang nangyayari sa Siargao – na ang kanyang resort naman ang nasangkot sa mga paratang ng ilegal na reclamation, encroachment at iba pang paglabag sa kapaligiran.
Aniya sa kanyang IG account, “The accusation travelled fast. The truth took months.”
Sa mga natuklasan ng DENR-PRA, walang reklamasyon ang resort ng negosyante, walang panghihimasok na lampas sa kanilang mga hangganan ng ari-arian, at walang sapat na batayan para sa mga paratang.
Iginiit ni Christophe na isa itong paninira laban sa kanya dahil sa pampublikong pagsasalita tungkol sa korupsiyon, pananakot sa pulitika, at panliligalig na nangyayari sa Siargao.
“Within weeks, serious accusations appeared against my resort and were amplified nationally before the investigation had established the facts. Political figures publicly pushed Maison Bukana’s supposed environmental violations at the level of the DENR Secretary,” deklara niya.
“Taken together, I believe this bears the characteristics of a politically motivated smear campaign. I am using my own case because it is documented. The principle is bigger than just a resort’s reputation: government power, environmental enforcement, and media scrutiny must be applied fairly and accountably to everyone,” giit niya.
Nanawagan si Christophe sa ilang media na humingi ng paumanhin sa publiko at ilathala ang opisyal na natuklasan ng DENR-PRA habang itinatama ang mga naunang posts na ginawa nila laban sa kanyang resort.
Ani ng boyfriend ni Nadine, “A free press is essential to democracy. A responsible press is essential to public trust. Those who hold others accountable must also be willing to correct themselves. If an accusation deserves a headline, the truth deserves one too.”
Pagtatapos niya, “Let the evidence speak.”
Todo-hinayang sa Senate President…
ANGELICA, UMAMING DAHIL SA MADIR KAYA ‘DI NAGING BF SI SEN. WIN
IBINULGAR ni Angelica Jones sa panayam sa Your Honor (YH) podcast na niligawan siya ng isang senador ngunit tinanggihan umano niya ito. Inamin ng dating aktres na pinagsisisihan niya na hindi niya ito binigyan ng pagkakataon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay inamin niya na ang pulitikong tinutukoy sa podcast ay si Sen. Sherwin Gatchalian.
Tinanong kasi ng King of Talk kung sino ang pulitiko na sana’y sinagot niya ng “oo” noon.
Ani ng dating aktres, “Si Sen. Sherwin Gatchalian.”
Paliwanag niya, “Long, long time ago na po, bata pa po ako, when I was 22. Siguro, naging boyfriend ko muna si Bobby Yan. Mas una ko pong naging boyfriend si Bobby when I was 21.”
Sinabi ni Angelica na ang kanyang ina ay dating napakahigpit, na sinamahan pa nga siya sa mga date niya noon, kasama na ang mga pakikipagkita niya kina Bobby at Win.
Ayon kay Angelica, hindi nauwi sa isang relasyon ang panliligaw ng kasalukuyang Senate President na si Sen. Win dahil sa pagiging overprotective ng kanyang ina.
“‘Di po kami dumating sa point na ‘yun kasi nga po that time, sobrang overprotective po ‘yung mom ko. ‘Di po ako nakakalabas nang mag-isa. Nakalabas po kami, nagkaroon ng dinner date, pero kasama ko po ang mama ko,” rebelasyon niya.
Hindi na nasagot ni Angelica si Sen. Win hanggang ang pulitiko ay na-link na sa ibang babae.





Comments