SHOW NI WILLIE, 'DI PA RIN MAKABALIK SA TV
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 16, 2023

Natapos na ang Ghost Month noong September 15, kaya marami ang naghihintay sa gagawing announcement ni Willie Revillame kung kailan na magsisimulang umere ang kanyang programa sa PTV-4.
Nabanggit noon ni Willie na iniiwasan niyang magsimula ng anumang project sa panahon ng Ghost Month. Unlucky daw ito, ayon sa mga feng shui experts.
May naging assurance naman ang pamunuan ng IBC-13 at PTV-4 na sa kanilang network eere ang game show ni Willie at co-producer din ang TV host sa show.
May ilang malalapit naman kay Willie ang nagsasabing baka bago mag-Pasko ang target date ni Revillame upang magsimula ng kanyang game show.
May ilang netizens din ang nagpupustahan kung matutuloy pa ba ang show ni Willie o nagbago na naman ang kanyang isip.
Well, sakaling matuloy sa pag-ere ang show ni Revillame, ang dati niyang oras sa hapon ang gusto niyang time slot. Ayaw na niyang sumingit at makipag-agawan pa sa mga noontime shows ngayon.





Comments