top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Show, gusto na sanang itigil… WILLIE, UMAMING NALUGI NG P140 MILYON SA WOWOWIN

BULGAR
May 11, 2021
3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 11, 2021




Kahapon (May 10) ang 6th anniversary ng Wowowin ni Willie Revillame sa GMA-7. Kaya naman sa latest episode ng programa ay inalala ng TV host kung paano siya nagsimula sa nasabing game show noong 2015.


Pagbabalik-tanaw ni Willie, noong una raw ay siya ang producer ng Wowowin at blocktimer siya sa GMA-7.


“Nagsimula ako rito, May 10, ako ho ang nagpo-produce noon, ako. Pera ko ‘yun, every Sunday, 3:30-4:30 (PM). Dumating ang time na after mga ilang linggo, sabi ko, stop ko na, dahil wala kasi akong marketing, eh. Walang nagbebenta ng programa.


“So, nalulugi. Umabot na sa point na P140 million po ‘yung nagastos ko na walang bumabalik,” kuwento ni Willie.


“Kasi nagbabayad ho ako ng blocktime, eh, more than 2 million (sa) 1 hour. Isipin n’yo sa 2 million, 2.2 (M) yata, sa isang buwan ho, eh, P8.8 million ‘yun. Wala ka pang ilaw. 'Kala n’yo, ganu’n kadali mag-produce? Wala ka pang bayad sa artist, wala ka pang bayad sa staff, sa guwardiya, lahat.


“So, gumagastos ho ng P14 to P15 million a month ang programang Wowowin,” patuloy niya.

Dahil nga malaki na ang nalulugi sa kanya ay nagdesisyon siyang itigil na ang show. Ang gusto lang naman daw niya ay magpasaya ng mga tao kaya siya nag-produce, pero siyempre, kung hindi naman kikita ay paano niya ito ipagpapatuloy?


Nagpaalam na raw siya sa mga GMA-7 bosses that time. Nag-empake na raw siya’t sa Tagaytay na maninirahan sana.


“Nagpaalam na ako. And then, paalis na po ako, nag-eempake na ako, pupunta akong Tagaytay, doon na ako titira, magku-quit na ako sa showbiz,” aniya.


Pero bigla raw siyang tinawagan ni Joey Abacan na isa sa mga executives ng GMA-7 at tinanong kung puwede silang magkita. Nag-meeting daw sila along with other execs.


In-offer-an daw siya ng 50% na lang ang ibayad niya as a producer, pero talagang desidido na raw siya na itigil dahil talagang lubhang mabigat na para sa kanya.


“Sabi ko, ‘Out na ako, Joey, medyo mabigat na, more than P100 million na ang nagagastos ko na cash,’” pagbabalik-tanaw pa ni Willie.


Hanggang sa inalok na raw siya na ang GMA-7 na talaga ang magpo-produce ng show na siyempre ay nagustuhan niya.


“Ikinukuwento ko ho ito para malaman n’yo ‘yung totoong istorya ng Wowowin dito sa GMA-7, ‘yung pagpasok ko po rito.


“So, after nu’n, nagkaroon po ng Sunday Pinasaya, back-to-back ng Wowowin,” ani Kuya Wil.

At dahil maganda ang ratings ay kinausap daw siya ulit ng management at tinanong kung gusto na niyang mag-daily.


“Sabi ko, ‘Maganda ‘yan’ kasi ang GMA, marketing at sales na po, sila na po kumbaga ang bahala sa commercials na napakalaking bagay na po sa akin kasi ho, natutulungan na ako, sobrang laking tulong.”


At nag-daily na nga raw sila nang 5-6 PM. ‘Di katagalan ay ginawa na raw 1 ½ oras ang Wowowin, Monday to Friday.

Kaya naman masayang-masaya si Willie na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumatakbo ang Wowowin at aniya, ito ay dahil sa mga viewers na tumatangkilik at nagpapa-rate ng programa.

“And then, ‘eto na po tayo. Sino ho ba ang mag-iisip na itong pandemya, eh, nagla-live pa kami? Naisip ko lang ho ‘yan last March. After ng Holy Week, tinawagan na po ako ulit ni Sir Joey Abacan na naman. Siya ang salarin, siya lagi,” ani Willie.


Pagkatapos nito ay nagpasalamat ang TV host kay Joey at sa buong pamunuan ng GMA-7 sa tiwala at suportang ibinibigay sa kanya mula noon hanggang ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page