Sheryl, nakita mo na? KISSING PHOTO NINA JERIC AT RABIYA SA EK, KALAT NA!
- BULGAR
- Dec 27, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 27, 2021

Bongga si Rabiya Mateo sa pagpasok ng 2022 dahil may regular TV show na sa GMA-7.
Sa January na kasi ang airing ng Season 2 ng Agimat ng Agila. Isa siya sa makakapareha ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa weekly action series.
Bukod sa career, may love life na rin si Rabiya. May kapalit na sa puso niya ang ex
niyang si Neil Salvacion. Ang tinukoy na ka-love life ni Rabiya ngayon ay ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales at hindi na nila kailangan ng relationship reveal. Sapat na ang nag-viral na photos noong nasa Enchanted Kingdom na sweet sila.
May photo pang yakap ni Jeric si Rabiya, hindi lang malinaw kung nag-kiss sila at kung nag-kiss man, hindi naglapat ang mga labi dahil may suot silang face mask.
Sabi, sa taping ng Wish Ko Lang nagkakilala ang dalawa at ‘yun, mabilis nagkainlaban at sila na raw ngayon.
Tsinek namin ang Instagram ni Sheryl Cruz na na-link kay Jeric kung may reaction ang JerRyll fans nila, kaya lang, naka-off ang comment box ng IG ni Sheryl. Umiiwas siguro ang aktres sa sumbong at disappointment ng mga fans nila ni Jeric.





Comments