SHARON, UMAMING WALA SI KC SA MGA GUESTS NILA NI GABBY SA CONCERT
- BULGAR
- Sep 17, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 17, 2023

Ang pakiusap ni Sharon Cuneta, sana ay hindi puro tungkol kay KC Concepcion ang isulat pagkatapos ng presscon nila ni Gabby Concepcion para sa reunion concert nilang Dear Heart.
Alam ni Sharon na mapo-focus ang mga write-ups sa naging isyu nila ni KC, kaya ang pakiusap niya, isulat din ang tungkol sa concert nila ni Gabby.
Para sa mga ShaGab fans nila kaya pumayag sina Sharon at Gabby na finally, ituloy na ang concert na four years ago pa pala na-conceptualized at ngayong 2023 lang matutuloy.
Kaya kahit may kamahalan ang tiket, bumili at bibili ang mga fans, at ang pinakamahal pa nga ang unang na-sold-out.
Siguro, kapag nag-open ng area sa stage ng MOA Arena na katabi nina Sharon at Gabby, may bibili pa rin kahit P25K ang tiket. Ganu'n kalakas ang magic nina Sharon at Gabby.
May mga guests sa concert na bawal pang i-announce at ang in-announce pa lang ay ang director nito na si Paolo Valenciano at ang musical director na si Louie Ocampo.
Hindi pa matantiya ni Sharon kung ilang oras tatagal ang concert, pero ang target nila ay two hours.
Paano nga naman kung mag-request ng “more” ang mga fans?
In-open ni Sharon ang isyu sa billing nila ni Gabby sa poster dahil may mga fans siya na nagtanong kung bakit siya pumayag na mauna ang pangalan ni Gabby kesa sa pangalan niya.
Sabi kasi ni Sharon, pagdating sa concert, name niya ang mauuna sa billing.
“Kung may movie kaming gagawin, una dapat ang name ni Gabby sa billing, pero sa pagkanta, una ako. No problem with me, I know my place in the business. I need to give respect to Gabby. I want to give him the respect,” ani Sharon.
Sa poster ng concert, una ang pangalan ni Gabby sa pangalan niya. Sa tiket naman daw, mas una ang pangalan ni Sharon.
Anyway, mala-K-Pop ang galawan ni Sharon at ng team niya sa concert dahil maglalabas sila ng merchandise. “I will release the merch earlier. May t-shirt, may hoodie, may light stick, wait for it.”
Hindi manonood si Kiko Pangilinan at mga anak nila sa concert.
“Kiko and the kids will not watch the concert. Ayaw ko silang masaktan at ayaw kong mailang kami ni Gabby,” ani Sharon.
Ganu’n din siguro sa part ni Gabby, hindi manonood ang wife niya at ang dalawa nilang anak para iwas-isyu na rin.
Si KC ang manonood at baka maging surprise guest pa siya, although sabi ni Sharon, wala sa guest lineup si KC.





Comments