top of page
Search
  • BULGAR

SHARON, NAMIGAY NG LIBRENG TIKET SA CONCERT NILA NI GABBY

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 20, 2023



Ayon kay Sharon Cuneta, tuwing may concert siya ay sumasakit ang ulo niya.


Hindi dahil sa show na kanyang gagawin kundi sa dami ng humihingi ng complimentary tickets sa kanya.


Hindi raw niya alam kung paano pagbibigyan ang lahat. Eh, limited lang daw ang compli tickets na ipinamimigay.


Aniya, "Sa totoo lang, itong concert (Dear Heart) na ito ang pinakanagpasakit ng ulo ko.


"Sa totoo lang po, ang agang naubos ng complimentary tickets ko.


"'Pag ako pa bumili, baka si Gabby (Concepcion) na lang ang kumanta dahil mauubos na ang suweldo ko sa kalilibre."


Humingi naman ng dispensa ang Megastar sa mga hindi niya napagbigyan.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page