SHARON, MAS GUSTONG UBUSIN ANG DATUNG KESA IPAMANA SA MGA ANAK
- BULGAR
- Sep 18, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 18, 2023

Sinagot ni Sharon Cuneta ang mga bashers na nagsabing balimbing siya nang mag-guest siya sa first episode ng E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon sa TV5.
“Nu’ng nag-guest ako sa Eat… Bulaga! nu’ng lumipat sila sa TV5, alam mo, ang laki ng gulat ko.
Nagulat ako dahil mayroong mga comments sa Instagram ko na ‘balimbing’ or ganito or ganyan,”
sey ni Sharon sa mediacon ng Dear Heart reunion concert nila ni Gabby Concepcion sa Okada, Manila last Friday.
“I explained it so well that ABS-CBN has also respected me from the very beginning, and that although I love my Showtime family, my ABS family, of course, tumatanaw ako ng utang na loob.
“So, nagulat ako. Hindi na ba uso ang utang na loob ngayon? Kasi ‘yung ibang comments, parang hindi nila naiintindihan ‘yung concept.
“So, ‘yun ang ‘wag kalilimutan – utang na loob. ‘Wag mong kakalimutan ‘yung mga taong tumulong sa ‘yo na marating ‘yung narating mo,” she said.
Sa isang bahagi ng mediacon ay nabanggit din ni Megastar na wala na raw siyang ipapamanang pera sa kanyang mga anak at ang tanging ipapamana lang niya sa mga ito ay ang bahay na ipinapagawa nila ngayon.
Kaya ang payo niya sa mga anak ay magtrabahong mabuti.
“Work hard kasi ipapamana namin sa kanila ‘yung bahay na ipinapagawa namin, tapos uubusin ko na lahat ng pera ko. Wala na silang mamanahin sa akin, ibebenta ko lahat, e-enjoy-in ko dahil hindi ko naman madadala sa langit,” sey ni Shawie.
Dagdag pa niyang mensahe sa mga anak, “Kaya ipinapaalam ko sa inyo, kaya ko kayo pinaaral para magtrabaho kayo, okay? Ang inyo na lang, ‘yung bahay na malaki, bahala kayo ru'n. Tapos nu’n, zero,” sabay tawa.
Samantala, gaganapin ang Dear Heart, The Concert sa October 27, 2023 sa SM Mall of Asia Arena.





Comments