ni Nitz Miralles @Bida | November 2, 2023

As per Sharon Cuneta’s Instagram post na ini-repost ni Gabby Concepcion, sold-out din ang Dear Heart VIP Night show nila sa Okada Manila last October 30. Puno ang ballroom at ang nakakatuwa, kasabay ng photos na ipinost ni Sharon ang menu for the night na wala sa concert nila sa SM MOA Arena.
Iba rin ang mga nanood sa Okada kesa MOA Arena, iba ang bihis at dating nila, at iba rin sina Sharon at Gabby. Same pa rin ang repertoire, pero si Gabby, may suot nang salamin, saka wala si KC Concepcion.
May next show pa sina Sharon at Gabby sa NUSTAR Convention Center na siguradong sold-out din. Hopefully, maging maayos ang show dahil may mga nabasa kaming comments sa show nila sa Okada na para raw hindi sila kasing-sweet noong concert nila sa MOA Arena.
Parang cold daw sina Sharon at Gabby sa show nila sa Okada at umaasa ang mga fans na hindi ‘yun magiging dahilan para magkaroon na naman sila ng conflict. Parang may nangyari raw o baka kinabahan lang si Gabby na iba ang audience nila.
Speaking of Gabby, after the Okada show, sa pagpo-promote ng Stolen Life naman siya magiging busy dahil malapit na ang premiere nito sa Afternoon Prime ng GMA-7.
Kasama niya rito sina Beauty Gonzalez at Carla Abellana sa direction ni Jerry Sineneng.
תגובות