SHAINA, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS KAY PIOLO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 9, 2021

Naiisyu ngayon ang aktres na si Shaina Magdayao na diumano'y buntis.
Kamakailan lang ay may kumalat na larawan nina Shaina at Piolo Pascual sa Bohol na sweet at kasama nila ang mga kaibigang sina Raymart Santiago at Jodi Santamaria.
Ayon sa mga netizens, nag-out na rin daw ang dalawa sa tunay nilang relasyon na taon na rin namang pinagtsitsismisan ng mga Mosang.
Pero wala namang pag-amin mula sa dalawa kahit sobrang dikit nila sa isa’t isa sa mga kumalat na larawan.
Kaya may nagtanong kung buntis daw ba ang younger sister ni Vina Morales.
Ang sumagot sa tanong ay ang elder sister nilang si Sheila.
“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya.”
Sinabi rin ni Sheila na very sweet daw talaga sa isa't isa sina Papa P at Shaina kahit noon pa.
Maging sa kanilang pamilya ay sobrang sweet ang actor.
"Hindi rin, wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat."
Dagdag pa ni Sheila, “Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag-uusapan si Piolo."
Sambit naman ni Vina, wala rin daw siyang alam sa isyung preggy ang kapatid.
But if totoo raw ang balita, nakasuporta sila sa kapatid lalo pa at malapit naman daw sa kanilang pamilya ang aktor.





Comments