top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Shaina at Ruru, sey n’yo? PIKTYUR NINA PIOLO AT BIANCA HABANG TODO-TITIGAN, KALAT NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 18, 2021





Ginawan agad ng istorya ang nag-viral na photos nina Piolo Pascual at Bianca Umali na nagkita sa housewarming party ng Belo Beauty sa Pampanga. Bagay daw ang dalawa at may chemistry, lalo na sa larawang nagtitigan sila at nakangiti.


Ngayong break na sina Bianca at Ruru Madrid at single naman daw si Piolo, puwedeng maging sina Piolo at Bianca, at sigurado raw na walang kokontra, gaya nina Rico Blanco at Maris Racal na agad tinanggap ang relasyon kahit malaki ang age gap.


Kaya lang, may nagtanong, paano raw si Shaina Magdayao na ang alam ng marami ay very special kay Piolo?


Naku, hayaan na natin sina Piolo, Bianca at Shaina ang lumutas sakaling magkaproblema silang tatlo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page