top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sey n'yo, Gerald at Kim? VIDEO NINA JULIA AT XIAN NA MAGKASAMA, PINAGPIYESTAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 12, 2021





Bukod sa ginagawang movie, magkasama ngayon sa isang Tiktok video sina Xian Lim at Julia Barretto. Marami ang nagsasabing may chemistry ang dalawang celebrities.


Si Xian ay ang long-time boyfriend ni Kim Chiu na ex-GF ni Gerald Anderson, na boyfriend naman ngayon ni Julia.


Agad na nag-viral ang nasabing video sa social media. Hindi pa raw lumagpas ang 24-oras ay umabot na sa 1.3 milyon ang views ng TikTok video nila kung saan nagsasayaw sila.


Hindi maiwasan ng ilang netizen na banggitin si Kim.


Reaksiyon ng mga netizens sa TikTok video nina Julia at Xian…


"In fairness, may chemistry pala silang dalawa, 'noh? Sana, kung wala lang mga intriga, mukhang maganda ang tandem nila. Sana, maisip ng mga fans na trabaho lang 'yan. Good luck po sa lahat ng cast at bahagi ng movie na Bahay Na Pula."


"Naalala ko tuloy nu'ng nagkasama sina Julia at Xian sa PMPC Star Awards 2018. Nagbiro pa siya kung kuya o tito ang itatawag kay Xi. Ngayon, kasama niya na sa pelikula. Sana, ma-appreciate ng tao ang talent ni Julia regardless sa mga nangyari. Tutal naman, mukhang masasaya na silang lahat at nakapag-move on na. Parang mahilig ding mag-cancel ang mga Pinoy kagaya sa South Korea."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page