ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 11, 2023

Hindi nakaiwas si Sarah Lahbati nang tanungin ng media hinggil sa napapabalitang hiwalayan nila ni Richard Gutierrez at the story conference of Lumuhod Ka Sa Lupa ng Viva and TV5.
‘Yun nga lang, ayaw magsalita ng misis ni Chard tungkol dito.
"I’d rather not comment on anything personal if that’s what you’re asking,” sey ni Sarah.
Ayaw na rin daw patulan pa ng aktres ang maaanghang na pahayag ni Annabelle Rama sa social media post nito.
Matatandaang nagsalita si Tita Annabelle sa Facebook and Instagram na hindi raw siya ang may gustong maghiwalay sina Sarah and Richard and revealed na nagsimula ang gulo nang umuwi mula sa Pilipinas ang mga magulang ng kanyang daughter-in-law.
Anyway, mukha namang masaya si Sarah at excited siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. Tinanggap niya ang TV series na Lumuhod Ka Sa Lupa na base sa dating pelikula ni Rudy Fernandez.
“I’m okay and I’m excited. I’m feeling… honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed. Again, parang sunud-sunod ‘yung blessings from God, and I’m just excited to get to work,” she said.
Self-love raw ang rason ni Sarah sa kanyang pagbabalik.
“I’ve a 5-year-old, we have a 10-year-old (sons), so parang sabi ko, puwede na siguro, 'no? I’ve been a very hands-on mom and still a very hands-on mom, so parang I wanna do something for myself,” she said.
Napag-usapan din ang Christmas plans ng aktres at aniya ay hindi pa siya sure kung saan sila magpa-Pasko ng mga anak since magiging busy na rin siya sa trabaho.
“Even if I’m working, I’m still gonna be very hands on with the kids and make sure we have a good Christmas,” aniya.
When asked kung ano ang regalo niya sa sarili this Christmas, aniya, “A tap on the back.”
Comments