Sey mo, P-Du30?.. "MAS ATTRACTIVE ANG AKING BRIEF KESA SA PROBLEMA NG BAYAN" — MAYOR ISKO
- BULGAR
- Sep 2, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 02, 2021

Back-to-work agad si Manila Mayor Isko Moreno pagkatapos maospital dahil sa COVID-19 at makumpleto ang quarantine last Monday. At dahil nakapagpahinga rin, nagmukhang fresh at lalong gumuwapo ang mayor ng Manila.
Sa paglabas ni Mayor Isko sa publiko, nagkaroon ng chance ang media na muli siyang kunan ng reaksiyon sa mga sinabi tungkol sa kanya ni President Rodrigo Duterte na huwag magpaloko sa drama ng isang pulitiko na nakita niya sa Facebook na naka-brief.
Obvious naman daw na ang tinutukoy ni Pres. Duterte ay walang iba kundi si Yorme.
Pinili ni Yorme na hindi magbigay ng reaksiyon nu'ng una siyang kunan ng pahayag at mas nag-focus na lang sa trabaho, hanggang sa nagpositibo na nga siya sa COVID-19 at pumasok ng ospital.
But when asked again ng media, naglabas na ng saloobin si Yorme.
"Kung busy 'yung mga tao — imbes na busy sila sa COVID-19 — na tingnan ang piktyur ko sa gabi kesa piktyur ng mga namamatay, nasa labas ng ER dahil sila ay infected ng COVID-19 at piktyur ng isang pasyenteng nag-aagaw-buhay, eh, maraming salamat. Kasi mas attractive ang aking brief kesa sa problema ng bayan. So, I'm honored. But I'm not happy," pahayag ni Mayor Isko.
Sa kanyang latest interview, muli siyang nagpasalamat sa yumaong si Master Showman German Moreno sa pagbubukas sa kanya ng punto sa showbiz. At ngayong nasa public service naman daw siya, nais niyang maibalik ang utang na loob sa pagkakataon na maiahon ang kanyang pamilya sa hirap.
At sa huli, tila may pinatutungkulan siya sa statement niya na may hangganan ang puwesto sa gobyerno.
"Mga mahal kong halal ng bayan, ipinapaalaala ko lang sa inyo, matuto kayo ng salitang kabusugan. Huwag na huwag kayong aabuso. Huwag na huwag kayong magsasamantala. Hindi ito panghabambuhay. Hindi ito minamana-mana lang," diin ni Yorme.
May mag-react kaya sa sinabi ni Yorme?








Comments