Sey mo, Jak? BARBIE, 5 ANG LALAKI
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 15 , 2021

Ang suwerte-suwerte ng Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza dahil nakasama siya sa powerhouse cast ng Mano Po Legacy: Family Fortune.
Sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Maricel Laxa at Sunshine Cruz ang mga makakasama niya rito.
Matitindi ang mga eksenang gagawin ni Barbie kaya tiyak na mailalabas niya ang kanyang galing sa pag-arte.
Drama ang forte ni Barbie at maraming direktor ang pumupuri sa husay niyang umarte.
At binigyan din siya ng 5 young actors na magiging love interest niya sa Regal Studio Presents Mano Po Legacy.
Mas matinding aktingan ang mapapanood ng lahat sa pagganap ni Barbie sa Mano Po Legacy: Family Fortune.
Bale comeback project din ito ni Maricel Laxa na matagal namahinga sa showbiz. Maganda ang project kaya hindi niya nagawang tanggihan.
Ang Regal Films ni Mother Lily Monteverde ang producer ng Mano Po series sa pelikula noon.
Kaya tiyak na aabangan ng mga viewers ang TV version nito ngayong mapapanood sa GMA Network.





Comments