Sey mo, Gretchen? MARJORIE AT CLAUDINE, MAGKASAMA NU’NG BAGONG TAON
ni Nitz Miralles - @Bida | January 03, 2022

Kahit ‘yung mga hindi kamag-anak nina Marjorie at Claudine Barretto, natuwa nang makita sa IG Story ni Leon Barretto na anak ni Marjorie at ni Sab Barretto na anak ni Claudine na magkasama sa pagwe-welcome sa Bagong Taon ang estranged sisters.
Nangyari ito sa bahay ng mga Barretto sa Olongapo City at gusto sanang malaman ng mga Marites at fans kung nag-usap ba sina Marjorie at Claudine o kung binati ba ng una ang mga anak ng huli at vice-versa.
Na-curious ang mga nakapanood sa video at nakakita ng larawan ng family dinner dahil nasa magkabilang dulo ang puwesto nila.
Si Marjorie, ang mga anak na sina Claudia, Erich at Leon ang katabi, at si Claudine, ang mga anak na sina Santino, Sab, Noah at Quia naman.
May mga nagpahayag na sana ay magkasundo na sina Marjorie at Claudine at pati sina Marjorie at Gretchen Barretto.
Sa pagsasama sa litrato nina Marjorie at Claudine, may nag-comment na “Blood is thicker than water.”





Comments