Sey mo, Gerald? DOMINIC, PASADO KAY BEA PARA MAGING ASAWA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 14, 2021

Talagang tinutukan ng mga fans and supporters ni Bea Alonzo ang guesting niya sa programang The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo. Kinilig sila sa mga tanong tungkol sa update ng relasyon nila ni Dominic Roque, lalo nang sabihin ni Bea na si Dominic ay husband material.
Pero, kinlaro naman ng aktres na as of now, wala pa silang balak na magpakasal. Marami pa raw silang balak gawin sa buhay. May mga commitments pa silang dapat tapusin at asikasuhin. At ngayon pa lang nagsisimulang lumalim ang kanilang relasyon.
May naging advise rin si Bea para sa mga babaeng may karelasyon. Huwag daw i-ignore ang “red flag”. Meaning, kapag may nararamdaman nang pagbabago sa karelasyon, dapat ay alamin agad at komprontahin upang hindi mabigla at masaktan 'pag may natuklasan.
Well, pagdating sa matters of the heart, much wiser na ngayon si Bea Alonzo. Bukas na ang kanyang mga mata at matalas na ang kanyang pakiramdam sa mga kaganapan sa kanyang paligid.
Samantala, para sa amin, nang mapanood namin ang guesting ni Bea sa TBATS, pasado na ang attempt niyang maging singer. Maayos niyang nakanta ang popular song ni Adele sa timbreng mala-Zsa Zsa Padilla. 'Yun ang other talent ni Bea bukod sa pagiging mahusay na dramatic actress.





Comments