Sey mo, Ellen? JOHN LLOYD, NAGPAKALBO
- BULGAR
- Mar 18, 2021
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | March 18, 2021

Ginulat ni John Lloyd Cruz ang mga netizens sa bago niyang hitsura na bald head, batay sa mga lumabas na larawan niya sa Facebook na may account name na Faces of Sorsogon.
Kuha ang mga larawan sa tabing-dagat ng Rompeolas sa lalawigan ng Sorsogon. Nagpaunlak ng picture-taking si John Lloyd sa mga taga-Sorsogon na kumalat sa social media.
Ilang linggo pa lang ang nakararaan, may naka-post sa Facebook account na nagke-claim na official page ni John Lloyd na may buhok pa siya, bagama't manipis na rin.
Pagkatapos magsalita ni John Lloyd na wala siyang social media account, lumabas ang katotohanan na fake accounts pala ang makikita sa FB at Instagram na gamit ang pangalan niya.
Binalikan namin ang mga fake social media accounts ni John Lloyd at mukhang tumigil na sila sa pagpo-post ng kung anik-anik tungkol sa aktor.
Although, may mga post sa fake social media account ni JLC na ilang larawang kuha habang nagsu-shoot ng isang proyekto sa Sorsogon last February 25.
May kinalaman siguro sa proyektong ginagawa (if true) ang pagpapakalbo ni John Lloyd.
How ironic lang na kung kailan nagpatubo ng buhok ang boyfriend ng ex-girlfriend ni John Lloyd na si Ellen Adarna na si Derek Ramsay, saka naman nagpakalbo si Lloydie.
Wala naman sigurong kinalaman sina Derek at Ellen sa pagpapakalbo ni John Lloyd.





Comments