top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Sexy actress, type na type, gustong makilala… IVANA, WANTED SA PRINSIPE NG BRUNEI

  • BULGAR
  • Mar 26, 2021
  • 2 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 26, 2021




Gusto raw ma-meet nang personal ng prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah ang bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi.


Nagandahan daw kasi si Prince Abdul sa sexy actress nang mapanood niya sa YouTube.

Ang tagapag-alaga ng mga kabayo ng prinsipe ay masugid na tagahanga ni Ivana Alawi at pinanonood niya ang lahat ng vlogs ng sexy actress sa YouTube.


Kaya, napanood din ito ni Prince Abdul Mateen Bolkiah at nagtatanong na ito kung paano makikilala nang personal si Ivana.


Si Prince Abdul ay hindi lang isang prinsipe. Isa rin siyang magaling na polo player na naglaro sa South Asian Games noong 2017 at 2019.


Well, papasa naman kaya ang prinsipe ng Brunei kay Ivana Alawi? Sa aming pagkakaalam, simple lang ang katangian na hanap ni Ivana sa isang lalaking kanyang mamahalin. Hindi raw kailangan na super-guwapo at ubod nang yaman. Gusto niya ay isang lalaking mabait, humble, matalino, responsable at hindi matapobre!


Turned-off si Ivana sa mga lalaking mayabang at maangas. Kahit daw hindi masyadong guwapo, basta marespeto at mamahalin ang kanyang pamilya.


Maraming guys ang nagpaparamdam ngayon kay Ivana Alawi, may mga businessmen, pulitiko at taga-showbiz. Pero, mukhang hindi pa niya natatagpuan ang man of her dreams, kaya ini-enjoy muna niya ang kanyang pagiging single at ang patuloy na pagtulong sa kapwa.


Thankful si Ivana na nabigyan siya ng chance upang makilala at sumikat. Naaalala pa rin niya na noong bata pa siya, ang ultimate dream niya ay maging yaya at dancer.


Ang pagpasok niya sa showbiz at pag-o-audition sa iba't ibang talent search shows ay udyok ng kanyang ina na naniniwala na may talent siya.


Hindi rin pumasa noon si Ivana sa PBB audition, kaya naisipan na lang niya ang mag-vlog.


Masang-masa ang ginawang vlog ni Ivana na medyo may pagka-jologs at nagustuhan ito ng marami at nag-viral sa YouTube.


Ngayon, may 10 million subscribers na siya sa YouTube, kumikita na nang malaki at sikat na sikat na.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page