Serye ni Kylie, tinapatan pa… SEN. ROBIN, IPINASARA ANG ABS-CBN NOON, PASOK SA BLOOD VS. DUTY NGAYON
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 28, 2026

Photo: FB Robin Padilla
Muslim pala ang karakter ni Robin Padilla sa Blood vs. Duty (BVD), kaya siguro tinanggap niya ang offer. Mapapanood na siya at ang karakter niya simula this Monday at dahil dito, makakatapat niya ang anak na si Kylie Padilla na napapanood naman sa Sang’gre ng GMA-7.
Makakatapat naman ng dalawang series ang A Secret in Prague (ASIP) ng TV5 na tampok sina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Kaya tama ang comment ng isang netizen na masaya ang tapatan ng tatlong series.
And speaking of Robin, may Kapamilya na hindi pabor sa pagge-guest niya sa BVD. Dahil ito sa isyung isa siya sa mga nag-apruba na mapasara ang ABS-CBN noon.
May mga tanong kung bakit siya kinuha at kahit guesting lang, mapapanood pa rin daw siya sa istasyon na isa siya sa mga tumulong para maipasara.
May tanong pa kung wala na raw bang ibang aktor na puwedeng gumanap sa role na kanyang gagampanan? Hindi pa raw nila nakakalimutan ang ginawa nito sa ABS-CBN kaya may tampo pa rin sila rito.
May nagtanggol naman kay Sen. Robin Padilla. Special guest lang daw ito kaya hayaan na lang. Saka bagay raw sa kanya ang role at hindi naman siya ang bida sa series kaya okay na sa kanila.
Dahil sa Pagdating ng Panahon, career nabuhay…
ICE, UMAMING NALUNGKOT NANG MALAOS
TWENTY-FIVE years na pala mula nang ma-release ang timeless song ni Ice Seguerra na Pagdating ng Panahon (PNP). To celebrate its anniversary at milestone sa singing career ni Ice, nakipag-collab si Ice at ang Fire & Ice Music sa Vicor Music Corporation to re-release the single with a new version.
Nag-recording uli si Ice at mas haunting ang bagong version niya sa song, mas may emosyon than the original version.
Kuwento ni Ice, pinalabas niya ang mga tao sa recording para mas makapag-focus at the result is magic.
Ang PNP ay kasama sa highlight ng 39 years niya sa entertainment industry.
“Nabuhay ang career ko sa song na ‘to, ang laki ng nagawa sa akin at naalis ako sa pagiging ‘laos’. Kasama rin sa highlight ng career ko ang paglaos ko. Ikinalungkot ko nang malaos ako. I felt unappreciated,” sabi ni Ice.
Sa tanong kung ano’ng favorite line niya sa song, “The bridge part ng song, actually (na kinanta nito). For me, that line, ‘di lang favorite ko, it sums up what the song is all about. When we are losing hope, malay natin, darating ‘yung mga pinapangarap natin,” sagot ni Ice.
Available na sa lahat ng major streaming platforms ang new version ng song. This is in partnership also with Viva Records.
“I’m thankful that after 25 years, people are still listening, still singing, and still finding themselves in this song. That’s something I will never take for granted,” sabi pa ni Ice Seguerra.
MASAYANG post ni Enrique Gil sa Instagram (IG), “From Prague to PH, with love from Mikoy and Chiara. We are now on Top 2 on @netflixph’s Top TV Shows in Philippines. Maraming salamat sa pagmamahal sa A Secret in Prague, mga kapatid.
“Mapapanood na rin sa Free TV, TV5’s #TodoMaxPrimetime this Monday, April 27, 8 PM.”
Magandang balita nga ito na subaybayan din ang airing ng romantic thriller sa TV5 to know more the two’s character.
Marami ang naintriga sa team-up ng dalawa. May mga tanong kung hindi ba sila nagkailangan. Sagot dito ni Enrique, nakatulong na naging friends sila at na-develop pa lalo ang friendship nila habang nasa Prague sila.
Aabangan din ng mga fans ang nabanggit ni Enrique Gil na happy ang ending ng love story nina Mikoy (Enrique) at Chiara (Andrea Brillantes), pero kailangang subaybayan para mas ma-feel at malaman kung bakit happy ang ending ng love story nilang dalawa.




Comments