Kaya nagpursigeng yumaman… REGINE, INISMOL NG KAMAG-ANAK NA WALANG PAMBILI NG PAGKAIN NU’NG ‘DI PA SIKAT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 18, 2026

Photo: Regine Velasquez - IG
Hindi makakalimutan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang pang-aalipustang dinanas niya mula sa isang kamag-anak noong hindi pa siya sikat.
Sinabihan siyang walang pambili ng pagkain at hindi raw makakabili kahit bisikleta man lang.
Natanim iyon sa isip ni Regine, kaya nangako siyang luluwas sa Maynila at yayaman.
Dati nang sumasali sa mga amateur singing contests sa Bulacan ang Asia’s Songbird bago niya sinubukan ang kanyang suwerte sa Maynila, kung saan nagbukas sa kanya ang maraming oportunidad.
Sumikat siya bilang recording artist, bumenta ang kanyang mga plaka, at nakapag-concert sa Araneta Coliseum at sa ibang bansa.
Natupad ang pangarap niyang yumaman at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nagsilbing hamon at motivation sa kanya ang panghahamak na naranasan niya noon, pero hindi siya nagtanim ng sama ng loob.





Comments