top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SERYE NI JILLIAN, NANG-INSULTO RAW NG BALIW, PINALAGAN NG MAYOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2024
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 20, 2024




Nag-courtesy visit sina GMA Assistant Vice-President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot-Kamay na Pangarap Executive Producer Joy Lumboy-Pili sa tanggapan ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella kahapon (February 19).


'Yun ay para personal na humingi ng paumanhin sa alkalde kasunod ng napuna nitong isang episode ng serye na pinagbibidahan ni Jillian Ward. Mainit namang tinanggap ni Mayor Ferdie ang mga kinatawan ng programa. 


Sinabi rin ng alkalde na masugid na manonood ng Abot-Kamay na Pangarap ang kanyang mga nasasakupan kaya nakarating sa kanya ang nasabing eksena. 


Ayon pa kay Mayor Ferdie, welcome ang programa na mag-taping sa kanilang lungsod.


Matatandaang kinondena ng naturang alkalde ang episode ng Abot-Kamay na Pangarap  aired last Feb. 14, 2024 kung saan ay nabanggit ang salitang ‘baliwag.’


Naglabas ng official statement si Mayor Ferdie sa kanyang Facebook page para ipahayag ang kanyang hinaing. 


Aniya’y ginawa raw katatawanan ang Baliwag, Bulacan at ininsulto ang kalagayan ng isang baliw sa naturang episode ng serye.


“Ang Lungsod ng Baliwag ay sa mga nagtataguyod ng adbokasiya sa mental health kaya naman hindi rin kami sumasang-ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at ikinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapangpahiya ng sinuman.


“Kaya naman kinokondena namin ang iresponsableng pagsusulat ng iskrip at pagpapalabas nito. Nawa ay hindi na ito maulit, magsilbing aral, at makalikha ng kamalayan para sa mga susunod pa na palabas at iba pang pagtatanghal,” bahagi ng statement ni Mayor Ferdie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page