SERYE NI COCO, UMEERE SA 41 BANSA SA AFRICA
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
Updated: 19 hours ago
ni Julie Bonifacio @Winner | May 26, 2025
Photo: Coco Martin PH - IG
Biyaheng Africa ang famous couple na sina Coco Martin at Julia Montes kasama ang iba pang Kapamilya stars.
Sa unang pagkakataon, dadalhin ng ABS-CBN ang Kapamilya stars sa Kenya para sa isang masayang selebrasyon upang magpasalamat sa ilang taong pagsubaybay sa mga programa ng ABS-CBN na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.
Isa itong milestone para sa ABS-CBN dahil pagkatapos ng maraming taon na pagtangkilik ng mga taga-Kenya sa mga Kapamilya teleserye, personal na nilang makakasalamuha ang mga Kapamilya stars na napapanood lang nila noon sa mga paborito nilang serye.
Makakasama nga ng mga fans ang CocoJul sa Kapamilya Live in Kenya para ipagdiwang ang parehong kultura ng Pilipino at Africa na gaganapin ngayong Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.
Bukod dito, inanunsiyo na rin ng ABS-CBN ang pag-ere ng kinakikiligang serye nina Coco at Julia na Walang Hanggan (WH) sa Hulyo, at ang serye naman na pinagbibidahan ni Julia na Saving Grace (SG) na ipapalabas sa Setyembre. Pareho itong mapapanood sa StarTimes channel ngayong taon.
Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang FPJ’s Batang Quiapo (BQ), na kilala sa pamagat na Gangs of Manila (GOM) at kasalukuyang umeere sa 41 na bansa sa Africa. Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng Ikaw Lamang (IL), Doble Kara (DK), Asintado, atbp..
Mahigit 2 dekada nang umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa ang mga programa ng ABS-CBN. Ilan lamang sa mga napapanood na Kapamilya teleserye ngayon ay ang Can’t Buy Me Love (CMBL), Lavender Fields (LF), What’s Wrong with Secretary Kim (WWWSK), The Broken Marriage Vow (TBMV), at marami pang iba.
Para sa iba pang mga detalye para sa Kapamilya Live in Africa, bisitahin ang Kapamilya live website.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN website.
Inabot ng mga aberya ang misis ni Senator Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito at isa sa mga anak nila habang nagbabakasyon sa Boracay.
Naiulat sa isang provincial radio program sa Aklan na sinuntok ang anak nina Sen. Jinggoy at Precy ng tatlong hindi pinangalanang binata sa Station 2 ng Boracay Island noong 2 AM kahapon.
Pero duda ng mga netizens, ang anak ni Sen. Jinggoy na tinutukoy sa mga news ay si Julian Estrada. May post kasi sa kanyang Instagram (IG) na hindi matutuloy si Julian sa event sa isang kilalang bar sa Boracay kung saan isa siya sa mga guests/performers.
Post ni Julian sa kanyang IG story, “To everyone expecting to see me at epic tonight, I won’t be able to make it. Got caught in a really unfortunate situation last night and need time to recover, both physically and mentally.
“Appreciate all your understanding and support. See you soon.”
Ayon sa report, naglalakad daw ang dalawang biktima (anak ni Sen. Jinggoy at kasama nito) mula sa isang bar papuntang D’Mall (kilalang tourist area sa Boracay) nu’ng bigla silang sundan ng 3 lalaki.
Nilapitan daw ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok. Nu’ng umawat ang isa pang biktima ay itinulak din siya at sinuntok din ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Bgy. Balabag.
Agad nakilala ang mga suspek na pawang mga residente sa isla ng Boracay at inaresto ng mga pulis, habang isinugod naman daw sa ospital ang isa sa mga biktima para sa agarang medikal na atensiyon.
May duda ang mga netizens kung bakit sinuntok ang mga biktima.
“Mga 18 years old, binugbog sila? Malamang napormahan o niyabangan n’yo.”
“So, hindi ‘yung anak ‘yung target, ‘yung kaibigan ng anak?”
“Penoys (Pinoy) doing penoy things again (laughing emoji). We all know that even the anak of kapitan feels like hari-harian (smiling emoji). What more than a son of a senator with a last name of Estrada… That’s like having two infinity stones (winking emojis).”
“Hindi mo ba alam kung sino ako.....”
“I have no sympathy for this family whatsoever.”
Ganoon?
Comments