top of page

SERYE NI COCO NA GUEST SI SHARON, TAOB NG KAY HEART, DOS PUMALAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2021
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 03 , 2021





Umalma ang Kapamilya publicist na si Eric John Salut sa bias o unfair na survey ratings diumanong ipinakalat ng karibal na network, na layuning itumba ang long-time action-drama series na FPJ: Ang Probinsyano.


Ani Eric John sa kanyang early morning post nitong Huwebes, December 2, "Sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, nakuha pa rin ng GMA-affiliated website na ikumpara ang ratings na nakukuha ng Kamuning shows at Kapamilya tulad ng FPJ's Ang Probinsyano.


"Dahil dito, marami pa ring tambay at unemployed na Kapuso fans ang naniniwala na nangungunang network ang GMA.


"Sa kanilang ipinublish na article ngayong araw, noong November 26, nabanggit ang rating na nakuha ng FPJAP kung saan nakilala na ang karakter ng Megastar Sharon Cuneta."


Sabi pa ni EJ, sa unang episode kung saa'y ipinakilala si Mega sa karakter nitong si Aurora,


"Ayon sa kanilang ulat, humamig ng 9.4% na rating ang nasabing episode ng FPJAP laban sa 12.3% ng I Left My Heart In Sorsogon (ILMHIS) na pinagbibidahan ni Heart Evangelista."


Himutok ni EJ, "Hindi patas ang pagkukumpara dahil limitado lamang ang nararating ng signal ng TV5 at A2Z sa free TV.


"Ganoon pa man, runaway winner naman ang FPJAP sa online world dahil nakakuha ang unang episode ni Mega ng mahigit na 4.6 MILLION VIEWS sa YouTube! Hindi pa kasama sa bilang ang nanood sa Kapamilya Online Live, hindi lamang sa YouTube kundi pati na rin sa Facebook," sey pa ni EJ.


Dagdag niya, "Samantala, ang pinagsama-samang views ng ILMHIS mula episode 1 hanggang episode 11 ay aabot lamang sa mahigit 1.9 million views - kulang na kulang upang matalo ang isa at unang episode kung saan tampok ang Megastar.


"Congratulations, Mega at team FPJAP!" with color blue, red, green heart emoji na simbolo ng kulay sa logo ng ABS-CBN.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page