Sensor-based traffic light palit sa countdown timer
- BULGAR
- 6 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 30, 2025

Photo File: Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Ipinalit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sensor-based traffic light sa countdown timer.
Batay sa ahensya, ang 96 countdown timers sa signalized intersections ay sensor-based traffic lights, na pagbabatayan kung kailan tatawid ang mga sasakyan.
Sinabi ng MMDA na ang inisyatiba ay bahagi ng kanilang adaptive signaling system na unang ipinatupad noong 2012.
Ang sensor-based traffic lights umano ay nag-a-adjust depende sa rami ng mga sasakyan sa kalsada, lalo na sa gabi.
"Minimeasure niya, lalung-lalo na sa gabi, 'yung volume ng traffic. For example, Lane A, wala nang dumadaan. Kahit na naka-program siya initially na 1 minute, ika-cut short ngayon to 30 seconds at ililipat niya doon sa mas maraming beses dahil mas may volume," ani MMDA Chairman Atty. Don Artes.
“I think 'yung warning na 5 blinks, tapos 3 seconds na yellow and then red is sufficient enough para makapag-adjust 'yung ating mga kababayan at malaman nila kung dapat na ba silang mag-slow down, di ba? Para hindi sila mag-beat ng red light,” sabi pa ng MMDA chief.
Comments