Edad 3 at 5, nahulog sa irrigation canal, patay

by Mai Ancheta @News | October 31, 2026

Photo: Circulated
Trahedya ang sinapit ng dalawang bata matapos mahulog umano sa irrigation canal na naging sanhi ng kanilang kamatayan sa Brgy. San Vicente, Sto. Niño, South Cotabato nitong October 29.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Jonrey, 3, at Joanna, 5.
Batay sa report ng Sto. Niño Municipal Police Station, naglalaro umano ang dalawang paslit malapit sa irrigation canal at tinangka umanong tawirin ang tulay na kahoy subalit nahulog ang mga ito.
Inanod umano ang mga biktima at na-recover ang kanilang katawan ilang metrong layo mula sa lugar kung saan sila pinaniniwalaang nahulog.
Nagawang maisugod ang mga biktima sa ospital, subalit bigo ang mga doktor na maisalba ang mga ito.





Comments