Roro, may 58 sakay, tumagilid

by Mai Ancheta @News | October 31, 2026

Photo: PCG
Tumagilid ang MV Virgen de Peñafrancia II malapit sa Real Port sa Brgy. Ungos, Real, Quezon, alas-12:44 ng hatinggabi nitong Biyernes, Oktubre 30, matapos umanong matangay ng malakas na agos ng dagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ligtas ang lahat ng 58 sakay, kabilang ang dalawang sanggol, 38 iba pang pasahero at 18 tripulante. Galing sa Polillo Port ang barko na may kargang 14 rolling cargo.
Samantala, nakitaan ng oil sheen malapit sa hulihan ng barko kaya agad na naglatag ng oil spill booms ang mga awtoridad upang maiwasan ang pagkalat ng langis.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments