Senior citizen, namatay sa community pantry… LIZA KAY ANGEL: ‘DI KA DAPAT MAG-SORRY
- BULGAR
- Apr 26, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 26, 2021

Viral sa social media ang tweet ni Liza Soberano para kay Angel Locsin at aniya ay walang intensiyong manakit ng kapwa ang aktres.
Kamakailan ay nag-comment si Liza ng “No need to say sorry” sa Instagram post ni Angel dahil hindi naman daw nito kasalanan ang pagkamatay ng senior citizen sa kanyang community pantry.
Esplika ni Liza sa Twitter, “Many people misunderstood my comment. I meant don’t sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation. Of course it’s only right and natural for Ate Angel to be sorry about the life that was lost.”
Dagdag pa ng Kapamilya actress, “It’s just unfair for me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen. Sorry if the family affected by this or offended by the comment but this was not for you but the people blaming her.”
Komento naman ng mga netizens sa paliwanag ni Liza, “Thank you, Liza dear. Sabi ko naman, gusto lang ma-reply-an niya ‘yung mga ‘yun! Hahaha! Beh, buti nga sa kanila at WALA NI ISA SA KANILANG NAKAKUHA NG ACKNOWLEDGEMENT NIYA! Gusto lang talaga nilang mapansin ng ganda niya para magkaroon ng significance ang buhay nila! Hahaha!!!”
Isang netizen naman ang ipinagdiinang may kasalanan pa rin si Angel, “May mali pa rin si Angel. Ginawang patay-gutom ang mga tao... nag-announce gayung iilan lang pala ang bibigyan. Walang mga puso.”
Pagtatanggol naman ng isa, “Well, they are hungry indeed. May puso pa rin ‘yung nagbigay kahit sa maliit o malaking paraan. You just hate Angel and it shows.”
Ilan pang komento ng mga netizens sa isyu…
“I love Angel but I can say na may mismanagement sa pag-handle n’ya rito. But with people whose mindset are like yours, I wish Angel would stop helping now and think of only herself. Either she would help or not, eh, bina-bash n’yo pa rin siya. Better for her to lie low and let others (like you kaya) help na hindi magmukhang patay-gutom ang mga kababayan natin.”
“Nagpa-community pantry pero walang puso? Iba talaga!”
“By the looks of it na walang disiplina at nagkakagulo, eh, patay-gutom nga sila. Si Angel kasi, tumutulong pa. Dapat ‘di na. Hayaan na ang gobyerno, kaya nagiging inutil, eh, may sumasalo sa trabaho nila. Dami pa namang shunga na naniniwala sa kanila.”
“People are bashing her mainly because she exercised her freedom of speech by expressing her political thoughts. The woman volunteers and helps privately for years and she gets dragged in the mud for this one tragic incident.”
Anyway, tumulong lang naman si Angel, ‘wag sisihin ang ginawa niyang pagtulong sa mga kababayan nating hirap na rin sa buhay.
Hindi kasalanan ng aktres ang nangyari sa senior citizen. Nag-arimuhanan lang si lolo na gusto rin namang makatulong sa kanyang pamilya.
Siguro, tadhana na ng senior citizen na siya’y kunin na ng Panginoon. ‘Yun nga lang, namatay siya sa panahong nagbibigay ng tulong ang aktres.
Kaya ang tanong na lang dito ay kung mauulit pa kaya na magbigay ng tulong si Angel sa panahon ng trahedya tulad ng bagyo, pagbaha, etc. sa ating bansa? ‘Di kaya magkaroon na ng phobia ang aktres sa nangyaring trahedya sa mismong kaarawan niya?





Comments