top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad

SEN. ROBIN, APEKTADO SA GRADE 8 NA NAMARIL, SOCMED, IPAGBAWAL DAW SA MGA BATA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 19, 2026



WINNER - SEN. ROBIN, TODO-DIIN NA IPAGBAWAL ANG SOCMED SA MGA BATA_FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Mabigat ang loob at malungkot na nag-live si Sen. Robin Padilla sa Facebook (FB) kahapon. May kinalaman sa naganap na barilan sa Ateneo University sa Zamboanga ang dahilan ng biglaang pagla-live niya.


Namaril umano ang isang Grade 8 student sa loob ng unibersidad. Dalawang estudyante ang namatay, kabilang ang mismong namaril.


“Isa na naman pong napakalungkot na balita ang ating natanggap,” bungad ni Sen. Robin.


Hindi pa raw maipaliwanag ni Sen. Robin ang buong pangyayari kaya hirap siyang magbigay ng komento.


“Mahirap pong magbigay ng komento. Lahat po ngayon ay nababalitaan lang natin sa mga social media, sa breaking news. Ito po kasi ay bumabagsak lahat under ng aking committee. Ito po ay sa public information,” paliwanag ni Sen. Robin.


Napakalaki raw ng epekto ng social media sa kabataan.

“Alam ko pong sobrang daming tao ang nagulat sa akin d’yan,” diin niya.


Ang tinutukoy ni Sen. Robin ay ang pagsusulong niya ng batas na nagbabawal sa mga kabataan na gumamit ng social media, pati na ang pagbaba ng edad sa mga kabataan para maging accountable sa paggawa nila ng krimen.


Kaya nanawagan si Sen. Robin na tulungan siya ng mga Pinoy na maisabatas ang kanyang mga panukala.


“Panahon na para aksiyunan natin ang mga batas na may kinalaman sa ating mga kabataan at may kinalaman sa social media na ginagamit ng ating mga kabataan at nakakaimpluwensiya sa kanila na makagawa ng mga bagay na karumal-dumal,” lahad pa ni Sen. Robin.





Love na love ng marami…

PARTNER NI ANDI NA SI PHILMAR, BIG BROTHER NG MGA TAO SA SIARGAO



BINATI ni Andi Eigenmann ang kanyang partner na si Philmar Alipayo na nagdiwang ng 34th birthday.


Sa kanyang latest Instagram (IG) post, isang matamis na mensahe ang ipinahatid ni Andi para sa kanyang labs.


Pagbati ni Andi kay Philmar sa caption, “HBD (happy birthday), Mahal! Selfies of just you and me for a change, realised it’s been mostly random low quality selfies lately but that just means we’re too busy living and enjoying life to care about that. The real everyday life I get to spend with you is good enough for me!”


Ishinare ni Andi sa kanyang IG Story ang video ng simpleng birthday celebration ni Philmar kasama ang dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa sa Siargao.


Binati rin si Philmar ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann at iba pang celebrities gaya nina Dimples Romana at Melai Cantiveros sa comment section ng IG post ng aktres.

Sabi ni Max, “HAPPY HAPPY BIRTHDAY, PHILLY!!! Love you, brother! @chepoxz (heart hand sign emoji).”


Nag-post din ang mga kaibigan at kasamahan ni Philmar sa surfing ng birthday greetings para sa kanya.


“Happy birthday, Phil. More blessings & good health.”


“Happy, happy birthday, Pal. Really good to see na ikaw ang big brother ng mga tao sa isla at ang haligi ng iyong pamilya. Amping kaw permi (Mag-ingat ka palagi)!”

“Happy Birthday, Dong Philmar!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page