top of page

Sen. Risa, pilit inilalako na alternative kontra kay VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 minutes ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | December 3, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Mistulang nilamon ng sistema ang Akbayan na kinabibilangan ni Sen. Risa Hontiveros.

Bistadong bumubuwelo na sila sa 2028 election.

Tsk, tsk, tsk.


----$$$--


Marami ang nagtataas ng kilay sa ipinakikita ng Akbayan matapos nilang isigaw sa Trillion Peso March rally sa EDSA noong November 30 ang “Marcos, step up; Sara, step down!”

Step up si Bongbong Marcos?


----$$$---


INAAKUSAHAN ang Presidente na mismo ang itinuturong mastermind ng P100 bilyong budget insertion, base sa mismong salaysay naman ni Zaldy Co.

Pero, isinisigaw din na step down naman si Sara?

Gayung hindi naman nababanggit man lamang si VP Sara sa flood control mess.


----$$$---

MAY nagtatanong bakit ganito ang postura ng mga makakaliwa at progressive na Akbayan bloc?

Inaakusahan tuloy silang nagmamaniobra na para sa 2028 presidential elections.

----$$$---

MAY nagma-marites na may plano ang Akbayan na itulak si “Santa Santita” Risa sa presidential race sa 2028.

Pilit na inilalako ang “soft, clean, feel-good image kuno” na si Sen. Risa bilang alternative kontra kay VP Sara.

-----$$$--

PROBLEMA nila ngayon ay nananatiling sobrang malakas pa rin si VP Sara sa masa at sa kanyang Mindanao base.

Kapansin-pansin din sa rally na hindi man lang nababanggit at binabatikos ng Akbayan si Congressman Martin Romualdez sa isyu sa flood control scandal.

Ngek!

-----$$$--

MAY mga effigy ng ilang senador at kongresista, pero wala ni isang placard laban sa dating Speaker na ayon kay Zaldy Co ay bilyones ang nakuhang kickbacks mula sa ghost projects.

Anti-corruption ba ang Akbayan?

He-he-he!

----$$$--

NATATANDAAN ba ninyo ang hirit noon ni Senator Alan Cayetano na “bakit kapag si Risa, amendment ‘yan, hindi insertion”?

Kapag iba ang gumawa, biglang “insertions,” “pork,” “corruption.”

Ha! Ha! Ha!

-----$$$--

MALINAW ang double standard, lalo na mula sa grupong binansagan ang sarili na “moral compass” ng oposisyon.

May hirit din itong si Rep. Chel Diokno na wala raw siyang political ambitions.

Pero naging kongresista at natalo sa pagka-senador.

Anubayan?----$$$--

PUMALAG sa kanila si Congress-meow Kiko Barzaga.

Ereng Makabayan bloc, diretso ang panawagan: mag-resign ang lahat ng sangkot, mula ulo hanggang buntot.

-----$$$---

KUNG susundan ang paglalarawan, parang totoong drowing ng mga ‘buwaya’.

May ulo, may buntot.

Ho! Ho! Ho!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page