top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SEN. RALPH, UMAMING NAKUHA SI VILMA AFTER MAG-INUMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2021
  • 4 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 23, 2021




Tinupad ni Ms. Vilma Santos-Recto ang pangako na ige-guest ang asawang senador na si Ralph Recto sa kanyang YouTube Channel.


Nag-celebrate ang dalawa kamakailan ng kanilang 29th wedding anniversary.


Dahil may wine pa silang iniinom habang nag-uusap sa vlog, biro ng team ni Ate Vi, "'Pag may alak po talaga, may balak."


Sinegundahan naman ni Sen. Ralph ang sinabi ng nasa team ng misis.


"Oo nga, nakahanda na 'yung kuwarto ko, eh, para mamaya," natatawang sabi ng senador.


Sabi naman ni Ate Vi, "Papa, behave, may camera tayo."


May game pang ginawa ang Team Vi na "Who's who with Ate Vi and Sen. Ralph."


Unang tanong na kailangang sagutin nila, "Who is the most jealous partner?"


Anila, pareho sila, pero tahimik lang daw si Sen. Ralph kapag nagseselos.


Ang isa pang tanong ay kung kelan sinagot ni Ate Vi si Ralph.


Sagot ng senador, August 10. Pero may dugtong na biro si Sen. Ralph na nu'ng nagyaya raw si Ate Vi na pakasalan siya, "Nagdalawang-isip pa ako nu'n, eh."


Pero pakakasalan pa raw uli niya si Ate Vi pagdating ng 50th wedding anniversary nila.

"Who is more trusting?"


"Ako ulit," ang sagot ni Ralph.

Sey naman ni Ate Vi, "Puro siya? But you trust me, right?"


"Of course I trust you, hindi nga ako seloso, eh," wika ng senador.


Kumambiyo naman ang Star for All Seasons, "I trust you, too."


"Dapat lang," sabi ng senador.


"No, minsan, may mga kalokohan din siya," panlalaglag naman ni Ate Vi.


Paliwanag ni Ate Vi, "Ganito po 'yun, nu'ng time na nagloloko-loko pa siya, sinabi ko sa kanya... 'Unfortunately, ang asawa mo ay isang public figure... isang artista. Kaya bago makarating sa akin ang balita, sabihin mo na kung may ginagawa kang kalokohan. Kapag tinanong kita, aminin mo na kung gusto mo pang magkaroon tayo ng another chance. Kung hindi, wala na.'"


Biglang sabi ng senador, "Ako, isa lang asawa ko, ha?" sabay sabing next question, please?


Who is the risk-taker?


"Si Ralph, aminado po ako ru'n. Mas malakas ang loob niya, eh, to taking risk. Ako, medyo ninenerbiyos pa. Maybe 'coz I'm also a woman lalo na at nanay pa, pero ikaw, Ralph, ang talagang risk taker, aprub?"


"Yes I supposed to. Pero malakas ang loob kong gumawa ng risk... Pinakasalan kita? 'Di ba, risk taker?" sambit ng senador.


"Bakit ganu'n, parang may ano pa, karangalan mong umoo ako sa 'yo, Papa?" sabay abot ni Ralph ng glass of wine sa Star for All Seasons.


"Pampainit muna," sabi ng senador sa kanyang misis.


Nang may tanong naman na "Who exercises more," nagmuwestra ang senador kung paano

mag-exercise si Ate Vi, kaya katakut-takot na hampas ang natikman ng senador sa asawa.


Aniya, exagg daw kung gumalaw ang katawan ng congresswoman samantalang stationary bike lang daw ang gamit at hindi tumatakbo.


Inamin naman ni Ate Vi na siya ay kuripot unlike ang mister na napaka-generous.


Esplika ni Ate Vi, natuto siyang magkuripot dahil sa naging experience niya noon nang mabaon sa utang.


Si Ralph umano ang nagturo sa kanya kung paano i-balance ang kanyang pera.


May sense of humor din ang senador. Next question kasi ay "Who's the better dancer."

Lahad ni Ate Vi, "Obvious naman, Papa, na sa dancing ako lumaki."


Buwelta ng senador sa kanyang misis, "Lumaki na ba siya, parang hindi naman lumaki," habang natatawa.


Pero bumawi naman agad siya, "Magaling talagang sumayaw si Vi. In fact, sexy... sexy siyang magsayaw."


"Na-in love ka nga sa akin, eh. 'Di ba du'n ka sa akin na-in love. Aminin mo ang totoo, nakita mo ako nu'n sa dancing floor sa KingKong."


Sagot ng senador, "Hindi naman sa na-in love, iba lang 'yung tumibok," sabay pingot ni Ate Vi sa tenga ng asawa.


Kuwento ng senador, "Sumasayaw siya... nagpapa-sexy sa harap ko."


"Of course, not!" pagtatanggol ni Ate Vi sa sarili.


Sabi pa ni Ate Vi, "Ang lakas lang ng loob niya... imagine, kasama ko po ang mga kasamahan ko sa industriya.. he was 21 years old then at 31 po ako... 10 years ang gap... and then, malakas ang loob niyang lumapit sa table namin and he introduced himself. He said 'Good evening. I'm Ralph...'"


Kinorek siya ng senador, "Mali... mali.. My name is Recto, Ralph... parang Bond, James."


And then, nag-approach daw ang senador ng "May I dance with you."


Dinedma raw niya si Ralph at sinagot ng "Later."


Hinintay daw siya ni Ralph hanggang 4 AM.


Sabi pa ni Ralph, kalalabas lang niya sa cursillo nang makilala niya si Ate Vi.


Bandang huli, birong sinabi ni Ralph na tinatamaan na siya at naghihintay na ang kuwarto sa kanila.


Next question, "Who initiated the first kiss?"


Kuwento ni Ralph, sinundo niya si Ate Vi sa shooting kung saan na-meet niya si Eddie Garcia at nagkainuman daw sila.


"Nalasing siya (Ate Vi), inuwi niya ako sa bahay niya, lasing na lasing siya, pinaliguan ko siya...


'yun ang simula ng first ķiss."


Nagkahamunan pa ang dalawa kung kaya pa raw ba ang ginagawa nila noong araw.


Ang tapang sumagot ni Ate Vi, "Kaya mo pa ba, Papa? Ako, kaya ko pa. Scorpio eto, Papa, remember."


Next na tanong, "Who can survive without their partner for a long time?"


Seryosong sagot ni Senator Ralph, "Ako, hindi ko kayang mawala siya. Halimbawa, ha, namatay siya, sabay kami. Kasi hindi ko kayang mawala siya."


Kaya pala kahit 29 yrs. na ang mag-asawa, staying strong pa rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page