Sen. Raffy Tulfo, laglag na sa pagka-presidente, nilamangan nina incoming Mayor Leni Robredo at Sen. Bong Go
- BULGAR

- Jun 4
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 4, 2025

TULAD NG IBANG SENADOR TILA AYAW DIN NI SP ESCUDERO NA MA-IMPEACH SI VP SARA -- Ang patuloy na delaying tactic na ginagawa ni Senate President Chiz Escudero na may kaugnayan sa impeachment cases ni Vice President Sara Duterte-Carpio ay pagpapakita na tila tulad din siya ng ibang senador na ayaw ma-impeach ang bise presidente.
Dahil diyan ay lumalabas na itong Senate president ay kabilang sa mga senador na Duterte Diehard Supporters (DDS), boom!
XXX
PABOR NA PABOR KAY VP SARA ANG DELAYING TACTIC NI SP ESCUDERO SA IMPEACHMENT NG VICE PRESIDENT -- Sa totoo lang, pabor na pabor kay VP Sara ang delaying tactic ni SP Escudero sa pagdinig sa impeachment cases ng bise presidente lalo’t may isinampang petisyon ang kampo ng vice president sa Supreme Court (SC) na humihiling na pagbawalan ang Senado na siya ay ma-impeach.
Baka bago sumapit ang June 11 na pagbasa ng mga sakdal kay VP Sara ng Senado na tatayong impeachment court ay maglabas ng desisyon ang SC na pinagbabawalan ang Senate of the Philippines na dinggin ang impeachment sa bise presidente, at kapag nangyari iyan, tapos na ang isyu, wala nang impeachment trial sa vice president, period!
XXX
MARAHIL KAYA SADSAD NA ANG RATING NI SEN. RAFFY TULFO SA 2028 PRESIDENTIAL SURVEY DAHIL HINDI NAGUSTUHAN NG MAMAMAYAN ANG MARAMING TULFO NA KUMANDIDATO SA ELEKSYON -- Dati, kapag naglabas ng survey ang Tangere Firm para sa 2028 presidential election, ang nagpupukpukan sa top ay sina VP Sara at Sen. Raffy Tulfo, malayo ang percentage ni former VP Leni Robredo at hindi naisasama ang pangalan ni Sen. Bong Go.
Pero nang manalong alkalde ng Naga City si former VP Leni at mag-top si Sen. Bong Go sa senatorial election, iba na resulta ng 2028 presidential survey ng Tangere Firm, top pa rin si VP Sara sa rating na 29%, pangalawa na si incoming Naga City Mayor Leni Robredo sa rating na 21%, at dito isinama na ng survey firm ang pangalan ni Sen. Bong Go sa rating na 15%, at laglag si Sen. Raffy Tulfo sa pang-apat sa rating na 11%.
Maaaring ang dahilan kaya sumadsad ang rating ni Sen. Tulfo, tinalo pa siya sa rating nina incoming Mayor Leni Robredo at Sen. Bong Go ay dahil hindi yata nagustuhan ng mamamayan na maraming Tulfo ang kumandidato sa nakalipas na halalan, tsk!
XXX
SEN. BONG GO PATOK SA PAGKA-VP SA 2028 ELECTION -- Sa pagka-vice president naman sa 2028 election, inilampaso ni Sen. Bong Go sa rating na 36% ang iba pang senador na posibleng kumandidatong VP, tulad ni incoming Sen. Bam Aquino (26%), Sen. Raffy Tulfo (11%), Sen. Risa Hontiveros (6%) at SP Chiz Escudero (4%).
Sa laki ng lamang o rating ni Sen. Bong Go, patok siya sa pagka-bise presidente, walang duda na kapag kumandidato siyang VP sa 2028 election, sure win na siya, period!







Comments