top of page
Search
BULGAR

SEN. LITO, BINIGYAN NG KOTSE SI DEBORAH, IPINASOK PA SA SERYE NI COCO

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 6, 2023



Masuwerte pa rin si Deborah Sun dahil matapos lumabas sa social media ang ginawang pagtulong sa kanya ni Ara Mina at nina Julius Babao at Tintin Bersola, may ilan pang artista ang gusto rin siyang tulungan.


May nagpadala kay Deborah ng groceries. At si Sen. Lito Lapid, nangakong bibigyan si Deborah ng kotse upang magamit niya sa pagpunta sa teyping.


Balak naman ni Deborah na gawing Grab service ang kotse upang kahit papaano ay may kita kapag wala siyang teyping at TV guesting.


Well, kahit paano ay nakaka-survive na si Deborah Sun sa pang-araw-araw nilang gastos.


At sa tulong at pakiusap ni Sen. Lito, kinuha ni Coco Martin si Deborah at binigyan ng role sa Batang Quiapo.


Wish ni Deborah na masundan pa ang kanyang mga TV guestings upang muling bumalik ang sigla ng kanyang showbiz career.


Target niya ngayon ay magpapayat upang maging physically fit at makaganap sa iba’t ibang roles na ibibigay sa kanya.


Hindi naman siya namimili ng role kahit nanay o kontrabida. Ang mahalaga ay may trabaho siya at kumita para sa kanya at sa kanyang mga anak.


Ayaw naman niyang umasa na lang sa ayuda ng kapwa artista. Tutal, malakas pa naman siya at kaya pang magtrabaho.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page