Sen. Kiko, kayang-kaya raw niyang iwan… SHARON, ENJOY SA BUHAY-TATE, DU'N NA GUSTONG TUMIRA
- BULGAR
- May 20, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | May 20, 2021

Bakasyon-grande ang feeling ni Megastar Sharon Cuneta na gagawin niya habang nasa Amerika. Parang normal na normal na raw kasi ang buhay ng mga tao sa US.
Sa pinakahuling post ni Mega sa kanyang Instagram account kahapon ay ipinakita niya ang overlooking view kung saan siya nag-i-stay.
“My gosh. Being here makes it seem like COVID is a lot farther away than it ever was. I love the weather now (it’s cold), and aside from seeing people wearing masks and not being able to watch movies at cinemas, eating at restaurants tables apart, it almost feels like life is normal again…. I love being “home” here. Though I lived in Boston for a year++ and love New York, the West Coast has always felt like home to me since I was a little girl. I could live here forever,” paglalarawan ni Sharon sa kondisyon ng buhay niya ngayon saanman siya nandoon.
Duda namin, nasa California, USA si Mega. Nasa West Coast ang California and if we remember it right, may bahay si Sharon noon sa Calabasas, California. Pero nabalitang ibinenta na ni Mega ang bahay niya sa Calabasas kung saan sa lugar ding ito sa US nakatira ang mga sikat na reality shows celebrities, ang mga Kardashians.
Going back to Mega, kahit naman nabalitang ibinenta na niya ang Calabasas residence niya, tiyak na may nabili ulit na bahay sa US ang nanay ni KC Concepcion.
D'yan naman mahusay si Sharon, sa buy-and-sell ng mga mamahaling properties here and abroad. At saka malamang ay ‘di lang isa ang bahay ni Mega sa US or kahit pa sa California area lang. Bilyonarya nga siya, ‘di ba?
Nabanggit din ni Mega sa kanyang mahabang caption ang posibilidad na iwan niya ang Pilipinas at tumira sa Amerika.
“KIKO (Sen. Francis Pangilinan) would NEVER leave the Philippines no matter what though. I could. In a heartbeat! Sorry na lang life is short,” say ni Sharon.
Oh, no?! Matitiis ni Mega na iwan si Sen. Kiko sa 'Pinas?
With regards to her children na sina Frankie at Miel, gaya raw ni Sen. Kiko, mas feel pa rin daw ng two girls nila ang mamalagi sa 'Pinas.
“Kakie will continue her studies in New York this year, God willing. Miel will probably follow in a couple of years. Though these two daughters of mine are just as Nationalistic as their father, my Miguel however, wants to live here with me. KC got her green card long before I did. Patay at iba-iba kami! Ngek.”
Well….





Comments