Sen. Imee kay PBBM: BSKE postponement, pirmahan na
- BULGAR

- Jul 19
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2025
File Photo: Sen. Imee Marcos / Comelec
Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lagdaan na bilang batas ang panukala na nagtatakda ng apat na taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.
Ang parehong panukalang batas ay nagtatakda rin para iurong ang BSK Election sa unang Lunes ng Nobyembre 2026. “Ayan na! Na-transmit na sa wakas kay PBBM! Ang tagal bago makarating, parang tumambay pa kung saan. Kaya, beke nemen, pirmahan na ‘yan!” wika ni Marcos sa isang pahayag.
Matagal na aniyang inaprubahan ng Senado at Kamara ang naturang panukalang, pero nitong Hulyo 10 lang naipadala mula sa House of Representatives patungong Senado, at noong Martes, Hulyo 15, lamang ito inihain sa Palasyo.
“Sa pagkakaalala ko, hindi karaniwan ang ganitong katagal. Wala ring sapat na paliwanag kung bakit natagalan nang husto. Sa totoo lang, matagal nang tapos ang trabaho sa Senado,” ayon kay Marcos.
Batay sa Saligang Batas, may 30 araw ang Pangulo mula sa araw ng pagtanggap para pumirma o mag-veto.
Kapag hindi ito pinirmahan o vineto sa loob ng panahong iyon, awtomatiko itong magiging batas.
“Anim na buwan na silang nakaabang. Karapatan nilang malaman kung hanggang kailan sila sa pwesto. Ang tagal-tagal na, oras na para tuparin ang batas,” punto pa ni Marcos.
“Pumirma man o hindi, basta’t maging batas na. Let’s get it done, para klaro na ang lahat,” dagdag ng Presidential sister.










Comments