4-day work week sa LGU
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | March 10, 2026

Photo: Isko Moreno Domagoso - FB
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagpapatupad ng “4-day work week” na ipinatupad ng Ehekutibo.
Sa kanyang “Talk to the People” public broadcast, sinabi ni Moreno na ipatutupad ang four-day work week sa mga city employees maliban na lamang sa importante at frontline agency.
Sa nabanggit na scheme, madadagdagan ang office hour ng mga empleyado.
Ang scheme ay para sa national energy conservation at bilang hakbang sa tumataas na oil price sanhi ng kaguluhan sa Middle East.
Sa ilalim ng Executive Order No. 8 ni Moreno, ang trabaho ng city employees ay magsisimula ng 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi o 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Ang nilagdaang EO ni Moreno ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na pinirmahan noong Marso 6 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nag-aatas sa mga government agency na magpatupad ng energy conservation protocols kasunod ng geopolitical tensions na nakaapekto sa global fuel markets.




Comments