top of page
Search

by Info @News | October 2, 2025



Sarah Discaya at Lacson - Circulated

Photo: Chiz Escudero / FB



Nagpadala na umano si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ng liham sa Commision on Elections (Comelec) para iparating ang kanyang kahandaan na maimbestigahan sa pagtanggap ng umano’y ilegal na campaign donation noong 2022 election.


Ayon sa Comelec, “The candidate who received [donation] from a contractor sent us a letter expressing his intention to appear next week. He’s a senator. He already made an admission.”


Kasunod nito itinanggi ni Comelec Chairman George Garcia na pinupuntirya nila si Escudero sa pag-iimbestiga sa mga kandidato na tumanggap ng donasyon mula sa mga kontraktor ng gobyerno.


Idinagdag din niya na nagkataon lamang na si Escudero ang isa sa mga unang na-summon dahil umamin agad ang kontraktor na nagbigay sila ng P30 milyong pondo para sa kampanya kay Escudero.


“Let’s just wait for the candidate to tell us his side because based on the law, both the donor and the candidate are liable,” saad pa ni Garcia.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos / Comelec


Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lagdaan na bilang batas ang panukala na nagtatakda ng apat na taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.


Ang parehong panukalang batas ay nagtatakda rin para iurong ang BSK Election sa unang Lunes ng Nobyembre 2026. “Ayan na! Na-transmit na sa wakas kay PBBM! Ang tagal bago makarating, parang tumambay pa kung saan. Kaya, beke nemen, pirmahan na ‘yan!” wika ni Marcos sa isang pahayag. 


Matagal na aniyang inaprubahan ng Senado at Kamara ang naturang panukalang, pero nitong Hulyo 10 lang naipadala mula sa House of Representatives patungong Senado, at noong Martes, Hulyo 15, lamang ito inihain sa Palasyo. 


“Sa pagkakaalala ko, hindi karaniwan ang ganitong katagal. Wala ring sapat na paliwanag kung bakit natagalan nang husto. Sa totoo lang, matagal nang tapos ang trabaho sa Senado,” ayon kay Marcos. 


Batay sa Saligang Batas, may 30 araw ang Pangulo mula sa araw ng pagtanggap para pumirma o mag-veto. 


Kapag hindi ito pinirmahan o vineto sa loob ng panahong iyon, awtomatiko itong magiging batas. 


“Anim na buwan na silang nakaabang. Karapatan nilang malaman kung hanggang kailan sila sa pwesto. Ang tagal-tagal na, oras na para tuparin ang batas,” punto pa ni Marcos. 

“Pumirma man o hindi, basta’t maging batas na. Let’s get it done, para klaro na ang lahat,” dagdag ng Presidential sister.

 
 

ni Madel Moratillo @News | May 20, 2025



Photo File: Bagong Henerasyon, Duterte Youth, George Garcia - FB, Comelec


Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon Partylist. 


Ang Duterte Youth ay nakakuha ng 5.6% ng partylist votes na katumbas ng 3 seats habang ang Bagong Henerasyon naman ay may 1 seat. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 'yan ay dahil sa mga naka-pending pang petisyon laban sa mga ito sa Comelec. 


Sa resolution ng National Board of Canvassers, may seryosong alegasyon sa mga ito dahil sa paglabag umano sa election laws. 


Ayon sa Comelec, dedesisyunan ito bago ang Hunyo 30. 


Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na kukwestyunin nila sa Korte Suprema ang suspensiyon. 


Sabi naman ng Bagong Henerasyon, hindi nila alam na may kaso laban sa kanila. Naghain na umano sila ng urgent motion sa Comelec para iproklama.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page