top of page

Sen. Imee, ibinulgar na kabilang sa lumagda sa 2025 national budget si Sen. Chiz

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 15, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TULOY PA RIN ANG LIGAYA NG MGA PORK BARREL POLITICIAN DAHIL 2026 NATIONAL BUDGET MERON PA RING UNPROGRAMMED FUNDS -- Sa P6.793 trillion national budget para sa year 2026 ay 287 kongresista ang pumabor dito o nag-“yes” votes at 12 naman ang nag-“no” votes.


Ang dahilan ng 12 kongresistang no votes ay hindi raw tinanggal sa 2026 national budget ang P243 billion unprogrammed funds na itinuturing nilang pork barrel funds.

At dahil nga pasado na ang P6.793 trillion na may nakapaloob na P243B unprogrammed funds para sa 2026 national budget, ibig sabihin niyan ay tuloy pa rin ang ligaya ng mga pork barrel politician next year, tsk!


XXX


SEN. ESCUDERO, KABILANG SA IBINULGAR NI SEN. IMEE NA LUMAGDA SA 2025 NATIONAL BUDGET -- Itinanggi ni Sen. Imee Marcos na mayroon siyang insertions sa 2025 national budget at ayon sa senadora ay siya raw ang senador na pinakatumutol sa maanomalyang budget kaya hindi raw siya nakiisa na lagdaan noon ang P6.326 trillion.


Sa inis ni Sen. Imee ay ibinulgar niya ang mga senador na lumagda sa P6.326 trillion national budget at kabilang sa pinangalanan niya ay si Sen. Chiz Escudero, na ayon naman sa mga naunang statement nina Senate President Tito Sotto at Sen. Ping Lacson na ang dating Senate president (Sen. Escudero) ay nagsingit ng P142.7 billion sa 2025 national budget, boom!


XXX


BAKA MAGWALA ANG TAUMBAYAN KAPAG GINAWANG STATE WITNESS SI REP. ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Matapos humarap sa closed-door hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay sa isyu ng flood control projects scam, ay may kumakalat na balita na baka siya ang gawing state witness ng Dept. of Justice (DOJ) laban mga nasasangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan.


Dapat mag-isip-isip nang mabuti ang DOJ sa isyung iyan dahil ang itinuro ni Sen. Escudero na mastermind daw sa flood control projects scam na si Rep. Romualdez, ang siya pang gagawing state witness. Naku po, eh baka diyan na magwala ang taumbayan, period!


XXX


KUNG OPEN SA PUBLIC ANG IMBESTIGASYON NG ICI KAY ROMUALDEZ, PUWEDE PANG MANIWALA ANG TAUMBAYAN NA ‘DI SIYA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM AT MAGING STATE WITNESS -- Kung ginawang open ng ICI sa publiko ang kanilang imbestigasyon kay Rep. Romualdez at nakita, narinig ng mamamayan na mahusay na naipagtanggol nito ang kanyang sarili, na ‘ika nga nakapaglatag ng mga ebidensya na hindi siya sangkot sa katiwalian at saka siya ikonsiderang state witness, tiyak walang angal diyan ang taumbayan.


Pero iyong after ng closed-door hearing kay Rep. Romualdez ay saka siya ikokonsiderang state witness, aba’y nakapagdududa iyan dahil hindi maalis sa isipan ng publiko na kaya itinatag ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang ICI, at hinayaang magsagawa ito ng secret investigation ay para ilusot sa kontrobersya ang pinsan niyang si Romualdez, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page