Sen. Bong daw, nakulong na, binigyan pa ng show…

SIGAW NI LOLIT: JANINE, WALANG PAKINABANG KAYA 'DI NA NI-RENEW NG GMA-7 ANG KONTRATA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 8, 2021

Umalma rin ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis sa tsikang dahil kay Sen. Bong kaya hindi ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Janine Gutierrez na naging dahilan umano kaya lumipat ang young actress sa ABS-CBN.
“Ano namang pakialam ni Bong Revilla kay Janine?” sabi ni 'Nay Lolit.
“Eto, ha? Kung sakaling totoong kinampihan ng GMA si Bong Revilla, di ang saya-saya ko, parang ang laki ng pasasalamat ko sa GMA.
“Pero kung iisipin mo, ang GMA, business ‘yan, hindi ka pakakawalan ng GMA kung papakinabangan ka.
“Kaya hindi ba, kailangang isipin nila, baka walang pakinabang kay Janine kaya pinakawalan,” pahayag pa ng manager ni Sen. Bong.
May lumulutang din kasing tsikang si Janine raw ang hindi na talaga nag-renew ng kontrata and to this, ang masasabi lang ni 'Nay Lolit, humahanga siya kay Kris Bernal na umaming hindi na talaga siya ni-renew.
“Hindi ba, she (Kris) accepted na hindi na siya ni-renew, na gusto niya pa ring maging Kapuso, pero hindi na siya ni-renew? Honest siya. Eh, ba’t ngayon, ikaw, kung hindi ka talaga ni-renew, ba’t kailangang marami pang drama na magbibigay ka pa ng duda na kaya hindi ni-renew dahil kinampihan si Bong Revilla. Ano'ng pakialam ni Bong Revilla sa kanya?” saad pa ni 'Nay Lolit.
Dagdag pa niya, ang artista raw talaga ay dumarating sa panahong bumababa ang popularidad at kapag dumating ito ay kailangang tanggapin.
“Huwag ka nang maarte pa na mag-iilusyon pa. Tanggapin mo ‘yun na nag-i-slide minsan ang popularity mo.
“Kaya ako talaga, the sweetest moment sa akin nu’n, nu'ng sinabi talaga ng GMA na itutuloy nila ang programa ni Bong. Kasi napakalaking bagay nu’n kay Bong. After nu’ng (makulong) CRAME, tapos ‘yung ituloy ng GMA ‘yung ano, napakalaking bagay nu’n sa akin. Tinatanaw kong malaking utang na loob ‘yun sa GMA,” sabi pa ni 'Nay Lolit.





Comments