top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Segurista lang sa yaman… SHARON, AI AI, DRA. BELO, HEART, PARE-PAREHONG MAY PRENUP AGREEMENT

BULGAR
Aug 6, 2021
1 min read

SA MGA MISTER


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 06, 2021



Twenty-five years nang kasal sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. At kahit may mga trials silang pinagdaanan sa kanilang marriage ay nalagpasan nila ito at nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.


Alam sa showbiz circle na nagkaroon ng prenup agreement sina Shawie at Senator Kiko. Ang senador daw mismo ang nag-suggest nito kay Sharon bago pa sila nagpakasal.


Maging sina Heart Evangelista at Gov. Chiz Escudero ay may prenup agreement din. Kaya ang malaking bahay na ipinatayo ni Heart na inabot nang 3 taon bago natapos ay nasa pangalan ng aktres ang titulo.


Sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay may prenup agreement din, at ganu'n din ang ginawa nina Ai Ai delas Alas at ng mas bata niyang mister na si Gerald Sibayan. Mismong si Gerald daw ang may gusto na magkaroon sila ng prenup agreement upang hindi isipin ng lahat na pera lang ni Ai Ai ang habol niya sa Comedy Queen.


May sariling career naman si Gerald at hindi nakadepende kay Ai Ai sa mga materyal niyang pangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page