Security of tenure para sa probationary employee

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 9, 2024

Dear Chief Acosta,
Bilang isang probationary employee, pinaalalahanan ako ng aking mga kasamahan sa trabaho na mag-ingat dahil wala raw akong security of tenure at maaari akong tanggalin anumang oras. Tama ba sila? Wala bang security of tenure ang isang probationary employee? — Japser
Dear Jasper,
Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Enchanted Kingdom, Inc. vs. Miguel J. Verzo, G.R. No. 209559, 09 December 2015. Ayon sa Korte Suprema, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Jose C. Mendoza, kahit ang isang probationary employee ay mayroong tinatawag na security of tenure:
“A probationary employee, like a regular employee, enjoys security of tenure. In cases of probationary employment, however, aside from just or authorized causes of termination, under Article 281 of the Labor Code, the probationary employee may also be terminated for failure to qualify as a regular employee in accordance with the reasonable standards made known by the employer to the employee at the time of the engagement. In summary, a probationary employee may be terminated for any of the following: (a) a just; or (b) an authorized cause; and (c) when he fails to qualify as a regular employee in accordance with the reasonable standards prescribed by the employer.”
Sang-ayon sa nasabing desisyon, mayroong security of tenure ang mga probationary employee. Ang kaibahan lamang ng isang probationary employee ay hindi lamang just or authorized causes ang puwedeng maging basehan upang siya ay tanggalin. Bagkus, kasama rin ang hindi pag-abot sa mga pamantayan para maging regular employee bilang isa sa mga dahilan sa pagtanggal sa serbisyo ang probationary employee.
Ang security of tenure ay isang karapatan na pinangangalagaan ng ating Saligang Batas. Kahit ang isang probationary employee ay saklaw ng nasabing proteksyon. Ang kaibahan lamang ng probationary employee ay binibigyan ng pagkakataon parehas ang kumpanya at empleyado na sukatin kung karapat-dapat ba ang nasabing bagong empleyado na maging isang regular employee. Ang sukatan na ito ay dapat malinaw na ipaliwanag sa nasabing empleyado sa punto





Comments