SEAG medalists, lalarga sa Nat'l Duathlon C'ships
- BULGAR
- Sep 7, 2022
- 2 min read
ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | September 7, 2022

Inaasahang ang pinakamahuhusay na duathlete ng bansa ay lalahok sa 2022 National Duathlon Championships (NDC) na nakatakdang magsimula sa Dis. 4 sa New Clark City.
Pangungunahan ng SEAG medalists na sina Fer Casares, Kim Mangrobang, Andrew Kim Remolino, Raven Alcoseba at John Chicano na pawang pambansang koponan na binubuo rin nina Raymund Torio, Ephraim Inigo, Jarwyn Banatao, Joy Trupa, Elaine Quismundo, Moira Erediano, Jena Valdez, Maynard Pecson at John Ciron ang paglahok sa pinakamalaking sporting event ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP).
Tampok ang mga distansyang Standard Distance course na 10 km run – 40 Km bike – 5 km run maging ang Sprint Distance course na 5 km run – 20 Km bike – 2.5 Km run at Super Sprint Distance course na 2.5 Km run – 10 Km bike – 2.5 Km na takbo. Ang event ay magsisilbing proseso ng pagpili para sa komposisyon ng mga miyembro ng national pool na sasabak sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.
Kaugnay nito, nagkumpirma ang Malaysia na gagamitin nila ang NDC para sa pagpili ng squad sa 2023 SEAG. Ang karera ay bahagi rin ng grassroot program ng TRAP para makatuklas ng may potensyal na atleta na maaaring maging bahagi ng developmental team ng TRAP.
Patuloy ang online registration sa RaceYaya.con, kasama sa bayarin ang renta ng timing chip, race bib, bike at helmet sticker, medalya ng finisher, event shirt at light post-race snack. Dati, ang NDC ay naka-schedule sa Nob. 27 ngunit kalaunan ay na-reschedule sa Dis. 4.
Upang makita ang kumpletong detalye ng mga aktibidad at iskedyul bago ang karera at pagkatapos ng karera pati na rin ang mga listahan para sa bawat wave ng mga kalahok, bisitahin ang page ng 2022 National Duathlon Championships sa RaceYaya.com.








Comments