top of page
Search
  • BULGAR

Score, 68 lang, na-bad trip! ICE, INUUMAGA SA SOBRANG ADIK SA VIDEOKE!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 26, 2024




Aliw much ang mga kaibigang press people kay Ice Seguerra sa mga rebelasyon nito sa intimate presscon niya para sa kanyang upcoming concert on May 10 and 11 sa Music Museum, ang Ice Seguerra Videoke Hits.


Well, kaya pala nabuo ang ganitong konsepto ng concert dahil sa pagiging adik ni Ice sa pagkanta sa videoke.


Sabi nga ng kanyang very supportive wifey na si dating FDCP Chair Liza Diño, once nahawakan na ni Ice ang microphone, wala nang bitawan 'yun, na hindi naman idinenay ng in demand pa rin hanggang ngayon na singer.


Pag-amin nga ni Ice, inaabot siya nang umaga (as in 6 AM!!!) sa pagbi-videoke kaya tinutulugan na lang siya ni Liza kapag ayaw niyang magpaawat.


Napa-compute tuloy kami kung ilang songs kaya ang nakakanta ni Ice sa magdamag tuwing may videoke session siya na tinalo pa ang haba ng mga gigs at concerts niya, hahaha!


At sa dami nga raw ng favorite songs ni Ice, hirap na hirap sila ni Chair Liza sa pamimili sa 50 songs na puwedeng pagpilian ng mga manonood ng Ice Seguerra Videoke Hits at i-request na kantahin ni Ice on stage.


Oh, yes, may ganu'ng privilege ang mga manonood ng concert ni Ice, at ang tatlong masuwerteng mapipili ay puwedeng mag-request ng isa sa 50 songs na inihanda ng Fire and Ice Productions.


At bukod diyan, ang mga bibili ng VVIP tickets ay puwedeng mapili na umakyat ng stage at maka-jamming ni Ice! 


Super bongga, devah?!


Anyway, going back to the intimate presscon, natanong namin si Ice kung ano'ng highest score na nakuha niya sa videoke at aniya, minsan nakaka-100 naman siya, kaso feeling daw niya, may videoke system na sadyang ginawa para sa mga lasing, haha!


Kumbaga, basta malakas ang boses, puwede nang maka-100 at para maiwasan ang kantiyawan at pag-aaway kapag pare-pareho nang lasing ang mga nag-iinuman habang nagbi-videoke, hahaha!


Kasi minsan daw, kahit ang feeling niya ay ang ganda-ganda ng pagkakakanta niya at pinapalakpakan pa siya sa concert, ang ending, 68 lang ang score niya, LOL!


Samantala, natanong naman namin ang pretty wife ni Ice na si Chair Liza kung ano'ng song ang kinakanta sa kanya ni Ice na nakakapagpakilig pa rin sa kanya at ang sagot ng dating beauty queen-actress, "Araw-Gabi."


May isang line raw kasi sa song na 'pag kinakanta ni Ice ay parang kinikiliti siya at may pagka-naughty ito kaya nagkatawanan at iniba na lang ni Chair ang usapan.


Anyway, sa medyo serious side naman ng one-on-one interview namin kay Ice Seguerra ay napag-usapan namin ang depression na pinagdaanan niya in the past.


Bata pa lang daw talaga ay depressive na siya at aminado naman siyang malaking tulong si Chair Liza at ang pagiging busy niya ngayon sa kanyang career kaya na-overcome niya ito.


Pero inamin niyang dumating sa point na dalawang beses siyang nagtangkang magpakamatay. 


Una, naisipan daw niyang magbaril at 'yung pangalawa naman, naisipan niyang mag-overdose ng pills.


At nangyari raw ito ngayong magkarelasyon na sila ni Chair Liza. Although, hindi na siya nag-elaborate sa cause ng depression niya, basta ang sabi lang niya, "Both" when we asked him kung dahil ba sa career or personal life.


Well, maybe curious kayo kung bakit hindi na ito itinuloy ni Ice at paano niya sinabi kay Chair Liza ang dalawang beses niyang tangkang pagpapakamatay.


Oh, eh di watch n'yo na ang interview namin kay Ice sa aming BULGAR TV channel sa YouTube, biliiiis!


But ooops… wait, don't forget to watch too Ice Seguerra Videoke Hits on May 10 and 11 sa Music Museum, 8 PM, at tiyak, mag-e-enjoy kayo dahil kakaibang experience na makaka-jamming n'yo ang nag-iisang ICE SEGUERRA!


Sa mga hindi pa nakakabili ng tiket, visit Ice's FB page para malaman kung paano makakabili nang hindi kayo mai-scam!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page