Sasakyan, total wrecked… ANAK NI DENNIS, NAPURUHAN SA CAR ACCIDENT
- BULGAR

- May 26
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 26, 2026

Photo: UAAP
Deleted na ang Facebook (FB) post ni Dennis Trillo kung saan ibinalita nito ang kinasangkutang car accident ng panganay niyang si Calix.
Ang laman ng naturang post ni Dennis ay: “Kaninang 5 AM, nakatulog habang nagda-drive mag-isa ‘yung panganay ko.
Bumangga s’ya sa island at tumaob ‘yung kotse. Total wreck (sic: wrecked)...
“Walang tinamaang ibang kotse o ibang tao, may pasa sa ulo, braso at maga ang kaliwang kamay.
“Hindi lahat ganito kasuwerte sa aksidente. Salamat po at ganu’n lang ang nangyari.
“Lesson: ‘Pag inaantok, ‘wag piliting mag-drive. Puwedeng mag-stop over muna para mag-unat-unat o umidlip.”
Ipinost din ni Dennis ang total wrecked na sasakyan, ang mga pasa sa braso at noo ni Calix at ang namamagang kamay nito. Nagpasalamat pa rin si Dennis at ang mom ni Calix na si Carlene Aguilar na walang malubhang nangyari sa kanya.
Siguradong nag-alala rin si Jennylyn Mercado dahil close sa kanya si Calix at parang tunay na anak na rin ang turing niya rito.
PATI kami ay curious sa tsikang ‘yung parang kimono na suot ni Kathryn Bernardo sa isang event ay may initial daw na “M.A.”.
Ang dating agad sa mga fans, initial daw ‘yun ng boyfriend ng aktres na si Lucena City Mayor Mark Alcala. Ipinapakita lang daw ni Kathryn kung gaano niya kamahal si Mark.
Pero may nagsabi namang hindi letters “M and A” ang nakaburda sa kimono ni Kathryn, malinaw daw na double A ang mga letrang kulay red ang burda.
Dito na nagkakatalo, may nag-i-insist na letters M & A ang nakaburda at may nagsasabi namang double A.
Kayo, ano ang tingin n’yo?
Tanong ng mga fans, aware raw ba si Kathryn na ang suot niya ay may nakaburdang letrang pinag-aawayan nila?
May makukulit na nagsabing letters “A & R” naman ang nakaburda, na initial daw ni Alden Richards. Bagay na kinontra ng ibang mga fans dahil hindi raw R ang isang letra at pakiusap ng mga fans ni Alden, huwag nang isama ang aktor sa isyu ng love life ni Kathryn dahil wala itong kinalaman.
Pansin ng mga casual fans, tuloy pa rin ang puksaan ng mga fans nina Kathryn at Daniel Padilla at nadadamay si Kaila Estrada. Lumalabas na ang respective fans ng former couple ang hindi pa nakakapag-move on sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ang ex-couple ay naka-move on na at happy na sa bago nilang pag-ibig.
Interview ni Ces Drilon, binatikos…
AIKO, KINAMPIHAN SI JIMMY BONDOC, BINANATAN NG NETIZENS
UMANI ng reaction (karamihan nega) ang comment ni Quezon City (QC) Councilor Aiko Melendez sa interview ni Ces Drilon kay Atty. Jimmy Bondoc. Kumbaga, ang gigil ng mga netizens kay Bondoc ay nalipat kay Aiko.
Nag-comment kasi si Aiko ng “When interviewing someone or making a case study, an interviewer should never be biased. Personal opinions and personal feelings must be set aside. As journalists and communicators, our responsibility is to listen objectively, ask the right questions and give our guests the chance to fully expound and share their side.”
Ilan sa mga comments ay: “Manahimik ka, Aiko,” “Aiko, kausap mo ay legit journalist with years of experience...” at iba pang negatibong reaksiyon mula sa mga netizens.
May mga nagtanggol din kay Aiko at sinabing tama lang na dapat objective ang interviewer at hindi ini-interrupt ang guest.
Samantala, hindi lang ang anak niyang si Marthena Jickain ng Star Worx ang kanyang ipino-promote, pati ang mga kasama nito.
Kapag may mga events o guesting ang mga bata, ipino-post niya. May TikTok (TT) din sila ni Onemig Bondoc kasama ang Star Worx talents kabilang ang anak niyang si Marthena.
Payag din si Aiko na gumawa ng project kasama si Marthena at iba pang Star Worx talents. Pangako niya, hindi niya sasapawan ang anak at ang iba pang talents ni Mr. Johnny Manahan at TV5.





Comments