top of page

Sariling kanta na, ha? REGINE, NAKA-80 LANG SA VIDEOKE, TODO-REKLAMONG DINAYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 21, 2021





HAHAHA! Nakakatuwa ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.


Nag-bonding ang Velasquez Family kung saan nagkatuwaan silang mag-videoke.


Kinanta ni Regine ang sarili niyang song titled Forever. Ka-challenge naman niya ang kapatid na si Jojo. In fairness, ang galing din palang kumanta ni brother.


Seryoso ang singer-actress sa kanyang pagbi-videoke, kaya sabi ng kapatid, "Ate naman, videòke lang 'to, 'wag masyado mo namang galingan."


Ang husay talagang singer ng Asia's Songbird dahil parang hindi siya nagbi-videoke.


Kung paano niya kinanta ang Forever, ganu'n din ang lumalabas habang nagbi-videoke siya.


Ang siste, nang matapos na at lalabas na ang score… dandararaaaaaan…... ang score ni Regine ay 80!

Hahaha!!! Nagreklamo tuloy ang Asia's Songbird.


Ani Redj, "Sarili kong kanta 'yan, okey? Ano 'yan, may daya?"

Nagrereklamo siya sa gumawa ng videoke. O, 'di ba, kaaliw?!

Komento naman ng mga nakapanood, "Matanda na 'yung boses kaya hinahanap ng karaoke 'yung bata pa siya na boses na boses, kaya ganu'n lang score."


"Ang gusto ng karaoke, 'yung sumisigaw, para bang rock song, kahit walang tono, mag-100 score ka, basta pasigaw kanta mo. 'Kaloka 'yang karaoke pagdating sa score. Para sa amin, Ms. Regine, you're the perfect one! Walang tatalo sa 'yo."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page