top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

SARAH, WISH NA MAKASAMA NA ANG PAMILYA NGAYONG PASKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 21, 2021




Very emotional si Sarah Geronimo habang kinakanta ang Christmas song na Sana Ngayong Pasko sa kanyang virtual concert titled Christmas with the G’s along with hubby Matteo Guidicelli.


Bago umawit si Sarah, nagsalita siya na hangad niyang maging happiest time ang taon, but unfortunately, hindi raw lahat ng tao ay magkakaroon ng joyful celebration tulad ng iba.


"Marami sa mga kapwa natin ang nawalan ng mahal sa buhay, ng trabaho, ng pag-asa, ng inspirasyon. There are also people who are away from their families this holiday season,” sambit ng singer-actress.


Um-agree naman si Matteo sa mensahe ng asawa.


Ani Matteo, may malaking plano raw ang Panginoon para sa lahat kahit maraming challenges na pinagdaraanan.


Sinegundahan niya ang kanyang misis na living proof ito sa kanyang sinabi.


“You show me how strong you are. You inspire me every day. Whatever you go through, at the end of the day, you stand even taller than anybody else. So, maraming salamat for the inspiration," sey ni Matteo.


In-acknowledge naman ni Sarah na ang Christmas is a reminder to always be grateful.


Aniya pa, mahirap daw para sa iba na makita ang silver lining sa kanilang sitwasyon.


Ang mga salitang sinasabi niya ay mukhang patungkol sa kanyang pamilya. Matagal na rin kasi niyang hindi nakikita ang mga magulang.


Tulad ngayon na dalawang Christmas na niyang hindi nakakasama ang mga ito mula nang magpakasal siya kay Matteo.


“We need to focus on the positive things because in God’s time, everything will be healed and will be right again," sabi pa ng Popstar Diva saka inialay ang Sana Ngayong Pasko sa lahat ng malayo sa kanilang pamilya.


Sa tinuran ni Sarah, obyus na miss na miss na niya ang kanyang pamilya.


Kaya wish namin, SANA NGAYONG PASKO ay maging maayos na ang lahat sa pamilya nina Sarah at Matteo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page