SARAH, WALDAS DAW, SINASAKTAN NI RICHARD KAYA NAGHIWALAY
- BULGAR
- Dec 10, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 10, 2023

Sa kabila ng mga naging pahayag ni Annabelle Rama tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at ng misis nitong si Sarah Lahbati, may pagdududa pa rin ang iba sa tunay na rason ng nababalitang hiwalayan ng sikat na celebrity couple.
Batay sa mga sinabi ni Annabelle, 'winawaldas' diumano ni Sarah ang pera ni Richard dahil maluho ang aktres.
Pero 'di naman sang-ayon ang ilang netizens dito kung ang dahilan ng pagwawaldas ni Sarah ng pera ni Richard ay para sa kanyang mga luho.
Hindi naman daw mukhang maluho sa katawan si Sarah. And in fact, si Richard pa raw ang nagregalo sa misis ng mamahaling kotse nu'ng huling birthday ni Sarah.
Duda naman ng iba, maaaring ang pagsuporta ni Sarah sa kanyang mga magulang ang nakikitang dahilan ng “pagwawaldas” niya ng pera ni Richard.
But just the same, nabababawan ang iba kung “pagwawaldas” ni Sarah ng pera ni Richard lamang ang dahilan kaya may hiwalayan isyu sa mag-asawa.
Bukod sa pagwawaldas, may ibang rason pa na patuloy na lumulutang sa hiwalayan nina Sarah at Richard. Isa na rito ang sinabi ng aming reliable source na diumano ay sinasaktan ni Richard si Sarah.
At may pruweba raw si Sarah sa pananakit sa kanya ni Richard. May mga larawan daw si Sarah ng mga pasa niya sa katawan na naka-save sa kanyang cellphone. Nalaman daw ito ni Richard kaya kinuha niya ang cellphone ni Sarah.
Siyempre, there’s always two sides to a story. Eh, bakit naman sasaktan ni Richard si Sarah, if true? Hindi kaya dahil sa pagwawaldas ni Sarah ng pera ni Richard kaya siya nasasaktan diumano ng aktor?
Although, kahit gastusin man ni Sarah ang pera ni Richard, hindi rin naman tama na umabot ito sa pisikalan.
'Kaka-sad naman. Sana mabigyang-linaw ito nina Richard at Sarah bago pa lumobo nang lumobo ang issue at maraming makisawsaw, devah?
Nauna raw kasi ang baby bago kasal…
SOFIA,`DI PA RIN TANGGAP NG PAMILYA NG TATAY NG ANAK

Inisnab ni Sofia Andres ang wedding ng kapatid ng dyowa niyang si Daniel Miranda. Ang kapatid ni Daniel ay si Enrique Miranda na ikinasal recently kay Ella Pangilinan, eldest sister ni Donny Pangilinan at anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
May mga Marites kasi sa wedding nina Enrique at Ella ang naghahanap kay Sofia.
Agad-agad ay nag-isip na ang mga Marites ng dahilan sa 'di pagsipot ni Sofia sa wedding.
Baka raw ‘di talaga imbitado si Sofia sa kasal dahil until now ay 'di pa rin tanggap ng pamilya ni Daniel ang aktres.
May pagka-konserbatibo raw kasi ang pamilya nina Daniel at Enrique. Eh, 'di ba nga si Sofia ay may baby na?
True kaya ito?





Comments