top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

SARAH, TAKOT MAGBUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 10, 2024





Four years nang kasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kaya naman, naiinip at nag-aabang na ang kanilang mga fans sa pagdating ng kanilang little angel na kukumpleto sa kanilang pamilya.


Thirty-five years old na si Sarah ngayon. Kaya, kailangan na nilang mag-double time upang mabiyayaan na sila ng anak ni Matteo. 


Pero, sabi nga nila, hindi naman sila nagmamadali at ine-enjoy muna nila ang panahon na magkasama sila. 


Una nilang binigyan ng prayoridad ang pagpapatayo ng kanilang recording studio at sa pag-aasikaso sa kanilang farm sa Laguna.


Enjoy sina Sarah at Matteo sa pag-aalaga ng mga kabayo, manok, kambing at iba pang hayop since malawak din ang taniman nila ng prutas at gulay. 


Mapapansin din na nagustuhan nila ang buhay-probinsiya kaya medyo nakalimutan na nila ang kanilang baby project. 


Marami namang netizens ang nagpapayo kina Sarah at Matteo na bigyan nila ng panahon ang pagkakaroon ng anak upang maranasan na nila kung paanong maging mom and dad. 


Pero, pag-amin ng Pop Star Royalty, gustuhin man niya na magkaroon na ng baby ay hindi pa siya handa emotionally. May takot siya sa pagbubuntis at hindi niya alam kung kakayanin niya ito.   


Sa puntong ito, dapat siguro ay bigyan si Sarah ng moral support ni Mommy Divine at ngayon dapat alalayan ang kanyang anak kung gusto na nitong magka-apo. 


May ilan naman ang nagsa-suggest na subukan nina Sarah at Matteo ang magpa-IVF (in vitro fertilization) tulad ng ginawa noon nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, ganu’n din nina Korina Sanchez at Mar Roxas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page