top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

SARAH, SUOT PA RIN ANG WEDDING RING NILA NI RICHARD

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 23, 2023



Pansin na pansin ng mga netizens ang lungkot sa mukha ni Sarah Lahbati sa latest picture niya na naka-post sa Instagram account niya.


Halata raw na may pinagdaraanan ang misis ni Richard Gutierrez.


Sa kabila ng lungkot, shalang-shala ang pagkaka-pose at picture ni Sarah para sa advertising campaign ng sikat na luxury brand na may local store sa Solaire Hotel & Casino.


Sabi ng netizen, “There’s sadness in your eyes but you’re still pretty. Keep praying and love your parents always.”


“Bakit malungkot ang beshy nila? Hiwalay na?”


“Your eyes speak a thousand words.”


Sa true lang, ang laki ng ipinayat ni Sarah sa piktyur. Ewan lang kung dahil sa editing ng photo or sadyang bumagsak ang katawan ng misis ni Richard.


Nakita namin ang ilan pa sa photos na naka-post sa IG niya at kita ring pumayat si Sarah. Litaw at nakaangat ang mga buto sa upper shoulders niya, pati na mga buto sa dibdib niya.


But still, we cannot deny the fact na lalong gumanda si Sarah.

“Grabeeee, sobrang ganda mo.


“Ganda mo, Sarah!!!! Walang kupas.”


May nakapansin din na suot pa rin ni Sarah ang wedding ring nila ni Richard.

“She’s still wearing her wedding band.”



Meron ding nag-wish na magkabalikan sila ni Richard.


“Ganda ni Sarah. Sana, magkabalikan kayo ni Richard.”


Ipinost din ni Sarah sa kanyang IG ang first diving experience ng eldest child nila ni Richard na si Zion sa Siargao.


Kasama ni Sarah sa Siargao ang kanyang mga magulang at isa pa nilang anak ni Richard na si Kai.

At least, nand’yan ang parents ni Sarah para suportahan siya sa kung anumang pinagdaraanan niya ngayon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page