top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

SARAH, PINAGPAHINGA NA SA CONCERT DAHIL BUNTIS DAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 24 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 1, 2026



BULGARY - SARAH, PINAGPAHINGA NA SA CONCERT DAHIL BUNTIS DAW-IG _justsarahgph

Photo: IG _justsarahgph



After manganak ni Alex Gonzaga, kay Sarah Geronimo naman nakatutok ang mga Marites dahil may isyung buntis na umano ang Popstar Royalty.


Anila, “Ang saya lang ng news na buntis na si Sarah G., parang ninong at ninang ang lahat.”

Tanong ng isang netizen, “Legit? Wala pa ‘kong nakita (post).”

Sey pa ng iba…


“Wala pa namang legit news na nagsabi. Pero ‘di magkakausok kung walang apoy na pinagmulan. Last na balita is ‘yung pinagpahinga s’ya, eh, may ‘di na natuloy na concert.”

“Yep, ‘yung sa Clark Aurora Festival. Baka jontis (buntis) na s’ya nu’n.”


“Totoo na ‘to? For real na? Ang dami kasing fake news sa pagbubuntis n’ya porke’t sikat s’ya. Congrats kina Sarah and Matteo! Finally!”


“Obvious naman na preggy na s’ya. Sad lang kasi pinangunahan ang mag-asawa na i-announce or kahit ‘di nila i-announce is okay lang naman.”


“This one is real. Waiting for their announcement. Nauna kasi ‘tong mga friendship ni Matt nag-splook, tapos delete sa FB (Facebook).”


“Saan na ‘yung baklang manghuhula sa showbiz last day na sinabing ‘di mabubuntis si Sarah? Hahaha!”


“Maniniwala lang ako ‘pag in-announce na nila. ‘Di ako maniniwala sa random link.”

“Lord, sana totoo na ‘to na si Ms. Sarah naman, tapos na po kay Ms. Alex, eh, para mas masaya.”


“Sarah is 38 na yata. Alex din is 38 when she had her baby. It’s never too late.”

Korek!





Pumalit sa dating manager ng aktres… 

CHRIS CAHILIG, UMAMIN KUNG ANONG KLASENG MANAGER SIYA KAY BEA



NAGSALITA ang film producer na si Chris Cahilig tungkol sa bago niyang papel bilang interim manager ni Bea Alonzo kasunod ng pagbibitiw ng longtime manager ng aktres na si Shirley Kuan (SK). 


Kasama sa kanyang tungkulin ang pag-aasikaso sa mga propesyonal na commitments ni Bea, pati ang mga kasalukuyang kontrata at mga bagong endorsement inquiries.

Sa isang panayam, natanong si Chris kung ano ang pinakamalaking hamon para sa kanya sa paghawak sa career ng isang aktres na katulad ni Bea.


“I don’t know yet. But so far, it’s probably the unwanted attention that comes with it. I’ve always been low-key. I’m more comfortable working behind the scenes and seeing others shine from a distance,” sabi niya.


Natanong din siya kung anong klaseng manager siya pagdating sa pagbibigay ng payo sa kanyang mga artists — sinasabi ba niya ang gusto nilang marinig o ang kailangan nilang marinig?


Diretsahan at tapat daw siya, pero sinisikap niyang manatiling diplomatiko at magalang sa kanyang pakikipag-usap.


“I’ve always been very upfront and honest, but also diplomatic and respectful. I say what’s on my mind, especially when I believe it will benefit my artists,” ani Chris.


Para sa kanya, mahalagang bahagi ng anumang propesyonal o personal na relasyon ang katapatan at hindi ito dapat isakripisyo.


Samantala, nang tanungin naman kung ano ang kailangan para maging matagumpay ang relasyon ng isang manager at artista, binigyang-diin ni Chris ang pagtutulungan at tiwala sa isa’t isa.


“Creative collaboration and mutual trust. We should be able to let each other do our respective roles without ego or personal interests getting in the way,” aniya.





Pasado sa Lollapalooza debut…

SB19 PALDO, KINUHA ULI SA IBA PANG SHOWS SA IBA’T IBANG BANSA



MUKHANG hindi lang audience ang humanga sa naging performance ng SB19 sa Lollapalooza dahil maging ang mga executives ng festival ay napansin ang Kings of P-Pop.


Ayon sa ulat, naging matagumpay ang debut ng SB19 sa Lollapalooza at agad silang nakatanggap ng mga offers para sa iba pang editions ng festival sa iba’t ibang bansa. 


Nakatakda silang mag-perform sa Brazil, Argentina, Chile at India.

Ayon kay Rhiza Pascua, Managing Director ng Live Nation Philippines, tinawagan pa siya mismo ng presidente ng Lollapalooza dahil nais nilang makuha muli ang SB19 para sa iba pang shows.


“I got called again by the president of Lollapalooza because they wanted to get them for other Lollapalooza shows in America, in India,” deklara niya.


Hindi rin maikakaila na malakas ang naging dating ng SB19 sa kanilang Lollapalooza debut. Kahit bago sila sa lineup, nakahatak agad sila ng malaking audience at naging usap-usapan ang kanilang performance.


Tila wala na ring mahahanap na maipipintas ang ilang Blooms, o fans ng BINI, sa naging performance ng SB19.

Reaction ng mga faney…


“Can we all stop mentioning that stupid ass fandom na.”

“Yes, it's hella irritating! Just don’t mention their name, my gawd (God), please.”

“Naniniwala na ‘ko na habang pinuputakti ng bashers ang SB19, lalong umaapaw ang blessings nila. Congratulations, esbi (SB19). Deserve n’yo ‘yan!”


“‘Di ba wala raw Pinoy rep (representative)? Hahaha! Plakda. Nag-post ang Cordillera sa suot nila. Saan bang global music fest ka makakarinig na kakanta ng VISA, MAPA, WAKAS, DAM, GENTO, DUNKA, etc.? Lahat, Tagalog ‘yan. Hahaha! Noypi, noypi, noypi! Ang vengeance? VOGUE BEST DRESSED sila. Hahaha! Ang funny ng clapback.”


“Pampasuwerte talaga ng esbi ang mga bashers kasi kada may bashing, may blessings.”


Congrats!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page