top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SARAH, IBANG-IBA NA NANG MAHIWALAY KAY RICHARD

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 28, 2023


Photo : Sarah Lahbati / IG


Ibang-iba ang Sarah Lahbati na nakikita ngayon ng publiko. Sa halip na malungkot at magmukmok sa paghihiwalay nila ni Richard Gutierrez ay naging matapang na siya at palaban. 


Dedma siya sa mga issues na ibinabato ngayon sa kanya ng mga partidos ng kanyang estranged husband. Humuhugot siya ng lakas mula sa kanyang parents na karamay niya ngayon sa mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan. 


Feel na feel ni Sarah Lahbati ang ganap na kalayaan at nagkaroon na siya ng boses upang sabihin ang kanyang mga nararamdaman. Hindi siya natatakot sa challenge na haharapin bilang isang single mom at mukhang wala na siyang kabalak-balak na makipagbalikan pang muli kay Richard Gutierrez. 


Pero, hindi naman niya ipagkakait na hiramin ni Chard ang dalawa nilang anak. 


Ayon naman sa ilang kaibigan ni Sarah Lahbati, tama lang na ipaglaban niya ang kanyang karapatan at magkaroon ng sariling buhay kahit may asawa't anak na. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page